Sa gitna ng imbestigasyon tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng former One Direction member na si Liam Payne, isang impormasyon ang lumutang na may kinalaman sa pananatili pa niya ng ilang araw sa Argentina.
Pumanaw si Liam noong October 16, 2024, matapos niyang mahulog mula sa balkonahe ng ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina, kunsaan siya panandaliang nakatuloy.
Siya ay 31.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Ayon sa ulat ng MailOnline, sa kalagitnaan ng imbestigasyon ay nakatanggap sila ng impormasyon galing sa malapit na kaibigan ni Liam.
Tungkol ito sa pag-extend daw ng singer nang ilang araw sa Argentina matapos niyang magpunta rito para suportahan ang dati niyang kabanda na si Niall Horan sa show nito sa Movistar, Buenos Aires, noong October 2.
Bahagi ito ng concert tour ni Niall sa Latin America.
Read: Niall Horan recounts last moments with Liam Payne
Napilitan daw na manatili ng ilang araw si Liam sa Argentina matapos ang concert ni Niall dahil nagkaroon ng problema sa kanyang American visa, kaya't hindi siya pinayagang makabalik sa Florida USA.
Diumano, nadiskubre ang paggamit ng drugs at alcohol ni Liam kaya napilitan siyang isailalim sa psychiatric at ilang medicals tests.
Saad ng source: "Liam had to get his US visa extended. He was on an O-1 visa, which is for artists, sportsmen and other people with extraordinary achievement.
"But one of the questions on the form asks, 'Have you ever abused alcohol or drugs?' Liam's problems with drugs and alcohol are well documented.
"It is widely known that he had been to rehab in the US, so he had to tick the box, and because of this he had to have medical tests. He had to be checked out by a doctor and a psychiatrist.
"All this took time. So Liam was forced to stay in Buenos Aires longer than he had planned."
Read: One Direction members "devastated" by Liam Payne's death
Matapos ma-clear sa medical tests, pinahintulutan naman na raw si Liam na bumiyahe pa-Florida.
Biyernes, October 18, natakda na raw sanang kunin ni Liam ang kanyang visa ngunit October 16, pa lang ay nangyari na ang trahedyang kumitil sa kanyang buhay.
Pahayag ng source, "The results of the tests were good. Liam was 100 percent sober.
"He was supposed to have a meeting at the embassy on Thursday and collect his visa on Friday.
"When I last spoke to Liam, I had no idea he that he was going to do anything stupid."
Read: Liam Payne, nag-upload ng photos isang oras bago pumanaw
Liam Payne's cause of death revealed
Multiple injuries, internal at external bleeding ang ikinamatay ni Liam, ayon sa premilinary autopsy report na inilabas at kinumpirma ng Buenos Aires City Police.
Sinabi rin ng forensics expert na walang pinsala ang braso at mga kamay ni Liam. Pahiwatig itong hindi nito iniunat ng singer ang kanyang mga braso bilang proteksiyon sa sarili nang bumagsak siya sa inner patio ng hotel.
Nagbigay na rin ng testimonya tungkol sa malagim na kamatayan ni Liam si Esteban, ang nagpakilalang head receptionist ng CasaSur na tumawag sa 911, ang emergency medical services ng Buenos Aires.
Read: One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
Si Esteban ang nakipag-ugnayan sa 911 para humingi ng tulong ilang minuto bago nahulog mula sa ikatlong palapag si Liam dahil winawasak umano ng singer ang lahat ng kagamitan sa loob ng kuwarto niya.
Sa lumabas na audio recording ng pagtawag ni Esteban sa 911, nagmamakaawang niyang sinabi na bilisan ng mga tauhan ang pagdating sa CasaSur dahil posibleng nanganganib ang buhay ni Liam.
“We have a guest who’s out of it because of drugs and alcohol. And when he’s conscious, he’s breaking everything in the room.
“We need you to send someone urgently because, well, I don’t know if the guest’s life is at risk.
“He’s staying in a room that has a balcony.
And, well, we’re a bit afraid that he’ll do something that would put his life in danger,” bahagi ng translated in English audio recording ng paghingi ng tulong ni Esteban sa Buenos Aires emergency services.
LIAM PAYNE'S HOTEL ROOM
Pinaniniwalaang nasa impluwensya rin ng alak at droga si Liam nang mangyari ang trahedya.
Sa mga larawang inilabas kasi ng mga kinauukulan, makikita sa loob ng hotel room ni Liam ang telebisyong basag ang screen, ang mesang may mga itim na marka ng paso, mga piraso ng tin foil, cling film (plastic wrap), isang cigarette lighter na kulay berde, tea light candle, at “white powder.”



Read: Liam Payne, nag-upload ng photos sa Snapchat isang oras bago pumanaw
