Opisyal nang nag-back out sa Miss Universe 2024 ang kandidata ng South Africa na si Mia Le Roux.
Ang hindi na pagtuloy ni Mia sa kumpetisyon ay inanunsiyo mismo ng Miss South Africa Organization matapos ang preliminary competition ng Miss Universe 2024 ngayong araw ng Biyernes, November 15, 2024.
Read: Miss Universe 2024 coronation night details you need to know
Sa naganap na preliminary competition ay hindi na nasilayan pa si Mia, kung kaya't marami sa kanyang mga tagasuporta ang nagtaka.
Bagay na agad namang kinumpirma ng Miss South Africa Organization.
Read: Details of Chelsea Manalo's Miss Universe 2024 national costume

Mia Le Roux withdraws from Miss Universe 2024
Ayon sa inilabas na pahayag ng Miss South Africa Organization, dahil sa "health concerns" kaya nagdesisyon si Mia na hindi na ituloy ang paglaban niya sa Miss Universe 2024.
Malugod naman daw nila itong tinanggap dahil mas prayoridad nila ang kapakanan ni Mia higit pa sa makukuha sana nitong titulo't korona.
Mababasa sa kanilang statement: "It is with deep regret that we share the news that Mia Le Roux, Miss South Africa 2024, has had to withdraw from the Miss Universe competition due to health concerns.
"Mia has shown incredible courage and grace throughout this difficult period.
"Her health and wellbeing are our utmost priority, and we stand by her side, dedicated to ensuring she regains her strength and returns to full health.
"Our hearts are with her as she takes the necessary steps toward recovery."
MIA Le Roux expresses GRATITUDE TO HER SUPPORTERS
Hindi raw naging madali kay Mia ang pag-back out sa kumpetisyon, gayong isa sa mga pangarap niya na maiuwi muli ang Miss Universe crown sa kanilang bansa.
Sa kasalukuyan ay tatlong Miss Universe crown na ang napapanalunan ng South Africa.
Una itong nakuha ni Margaret Gardiner noong 1978.
Sinundan ito ni Demi-Leigh Nel-Peters noong 2017, at panghuli si Zozibini Tunzi noong 2019.
Read: Why this answer of Zozibini Tunzi at Miss South Africa 2019 is powerful
Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin si Mia sa lahat ng suporta at pagmamahal na natanggap niya mula sa kanyang mga kababayan.
Saad niya: "I am profoundly thankful for the unwavering support from South Africa during my time at Miss Universe.
"Making this decision has been incredibly challenging, knowing the dreams and hopes that have been placed upon me.
"However, I am deeply grateful to have the opportunity to focus on my health and recovery so that I may continue to serve my country with full strength."

Samantala, bukod kay Mia, nag-withdraw rin sa Miss Universe 2024 ang pambato ng Panama na si Italy Mora.
Read: Panama’s Italy Mora breaks silence on Miss Universe 2024 exit
Sa Linggo, November 17, gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2024 sa Mexico City Arena (Arena CDMX), Mexico.
Susubukang maiuwi ng kandidata ng Pilipinas na si Chelsea Manalo ang ikalimang Miss Universe crown para sa bansa.
Read: Catriona Gray optimistic about Chelsea Manalo's MU 2024 bid
