Hiwalay na ang American award-winning singer-songwriter na si Sabrina Carpenter, 25, at ang Irish actor na si Barry Keoghan, 32.
Ito ay ayon sa ulat ng People.com nitong Martes, December 3, 2024.
Nakalagay sa isang bahagi ng eksklusibong ulat ng nasabing website: "They are both young and career-focused, so they've decided to take a break."
Ayon naman sa American entertainment website na Page Six, kamakailan lang nang naghiwalay ang dalawa.
Ang dahilan ng kanilang breakup — ang "infidelity" o pangangaliwa umano ni Barry.
Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon sila ni Sabrina na tuluyan nang tapusin ang mahigit isang taon nilang relasyon.
Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup
SABRINA-BARRY RELATIONSHIP
Noong September 2023, unang na-link sina Sabrina at Barry matapos magkrus ang kanilang mga landas sa Paris Fashion Week.
Read: Maymay Entrata overjoyed with her debut at Paris Fashion Week
Nasundan pa ito noong December 2023 nang maispatan naman silang kumakain sa isang restaurant sa Los Angeles, California.
February 4, 2024, nangyari ang first public apperance ng dalawa nang dumalo sila sa Grammy Awards.
Bagamat magkahiwalay na naglakad sa red carpet sina Sabrina at Barry, magkasama naman sila sa after party.
Read: BTS' V "flirts" with Olivia Rodrigo at 2022 Grammys; "Filipina" and "Traitor" trend on Twitter
Ilang araw matapos ang Grammy Awards, namataan naman sina Sabrina at Barry na naghahalikan sa harapan ng isang hotel sa L.A, indikasyon na tuluyan na nilang isinapubliko ang kanilang pagmamahalan.
BARRY AS SUPPORTIVE BOYFRIEND TO SABRINA
Kung bibisitahin ang Instagram account ni Sabrina ay mapapansin ang madalas na pagko-comment ni Barry sa kanyang mga post.
April 2024, isa si Barry sa libu-libong dumalo sa Coachella para suporta si Sabrina na isa sa mga performer.
Read: Andrea Brillantes, Lorin Bektas twinning in cowgirl looks for Coachella 2024
Bukod pa rito ang paglabas ni Barry sa music video ng hit track ni Sabrina na "Please Please Please" noong June.

Bago niya naging karelasyon si Sabrina, naging long-time partner ni Barry si Alyson Kierans, ngunit gaya ng "Espresso" singer ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan.
Mayroon silang two-year-old na anak, si Brando.
