PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Flowers, note found after Mexican influencer was killed

Valeria Marquez was fatally shot while she was livestreaming on TikTok.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 22, 2025
Flowers, note found after Mexican influencer’s killing
The suspected killer of Valeria Marquez allegedly left a bouquet of red roses and a chilling note outside her salon. Marquez was shot dead during a TikTok livestream.
PHOTO/S: Valeria Marquez on Instagram

Trigger Warning: Murder, violence

Isang bouquet of red roses na may kasamang sulat ang natagpuan sa labas ng salon ng pinaslang na 23-year-old Mexican beauty influencer at businesswoman na si Valeria Marquez.

Sumakabilang buhay si Valeria noong May 13, 2025, matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa mismong pagmamay-ari niyang beauty salon sa Jalisco, Mexico.

Naka-live sa TikTok si Valeria nang pasukin ng isang armadong lalaki ang kanyang salon at paputukan ng magkakasunod na bala ng baril—isa sa bandang tiyan at dalawa sa ulo.

Nagawa pang lumapit ng gunman sa kinaroroonan ng cellphone ni Valeria para patayin ang TikTok livestream nito sabay sibat sa crime scene na parang walang nangyari.

Matapos nito ay dali-daling lumabas ng salon ang gunman at sumakay sa isang motorsiklong naghihintay sa kanya sa labas.

Read: Mexican beauty influencer shot dead during TikTok livestream

New Information on Valeria's Death

Sa paggulong ng imbestigasyon, nadiskubre ng awtoridad na noong araw na pinatay si Valeria ay may kahina-hinalang bulaklak na natagpuan sa labas ng kanyang salon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ibabaw nito ay may note card na may nakasulat na "perdón," na ang ibig sabihin sa English ay "sorry."

Hinala ng pulisya, ang mastermind sa karumal-dumal na pagpatay kay Valeria ang naglagay nito.

Nakakuha rin sila ng kopya ng CCTV sa kalapit na establisyemento ng salon ni Valeria.

Dito ay nakitang bukod sa motorsiklo ay may puting SUV (sport utility vehicle) ding sinakyan ang guman matapos niyang barilin ang biktima.

"When they attacked this influencer, Valeria, they took two different routes in two different vehicles: a motorcycle and a white car," saad ng governor ng Jalisco na si Pablo Lemus Navarro sa isang press conference.

Napag-alaman din nilang mayroong malapit na kaibigang nakausap si Valeria ilang minuto lamang bago siya patayin—si Vivian de la Torre.

Nakatakdang mag-testify si Vivian sa mga pulisya para sabihin ang mga huli nilang napag-usapan ni Valeria na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Motive for the fatal attack ON VALERIA

Habang hindi pa nahuhuli ang gunmann, isang anggulo ang nakikita ngayon ng awtoridad sa likod ng pagpaslang kay Valeria.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maaari raw may kinalaman ito sa talamak na femicide sa bansang Mexico.

Mexican influencer Valeria Marquez shot dead during TikTok live
Moments before her death, Valeria Marquez was sitting at a table holding a stuffed animal at her beauty salon in the suburb of Jalisco, Mexico, doing a livestream.
Photo/s: Screengrab on TikTok

Ayon sa United Nations Women Organization, ang femicide ay tumutukoy sa pagpatay sa isang babae dahil lamang sa kanyang kasarian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karaniwan itong may kaugnayan sa gender-based violence.

Ibig sabihin, ang krimen ay nag-uugat sa diskriminasyon, galit, o kontrol laban sa kababaihan.

Sa tala rin ng UN, ang Mexico—kasunod ng Paraguay, Uruguay, at Bolivia—ang ika-apat na bansa sa Latin America at Caribbean na may pinakamaraming biktima ng femicide.

Hindi raw bababa sa sampung kababaihan ang pinapatay nang walang kalaban-laban sa mga bansang ito kada-araw.

Kadalasan daw ay isa sa kanilang pamilya o di naman ay mismong asawa ang gumagawa ng karumal-dumal na krimeng ito.

Read: Stand-up comedian Gold Dagal killed in Pampanga shooting

Samantala, dalawang araw lamang matapos paslangin si Valeria ay pinatay rin ang 22-year-old Colombian model-influencer na si Maria Jose Estupiñan.

Pinaghihinalaang may kaugnayan din sa femicide ang pagpaslang kay Maria.

Read: Colombian model shot dead days after Mexican influencer's murder

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The suspected killer of Valeria Marquez allegedly left a bouquet of red roses and a chilling note outside her salon. Marquez was shot dead during a TikTok livestream.
PHOTO/S: Valeria Marquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results