Marami ang naantig sa mala-"till death do us part" na pagmamahal ng South Korean DJ-producer na si Koo Jun Yup, o mas kilala bilang DJ Koo, para sa kanyang yumaong asawa na si Barbie Hsu.
Pumanaw si Barbie dahil sa influenza-induced pneumonia habang nagbabakasyon sa Japan, kasama ang kanyang pamilya, noong February 2, 2025.
Siya ay 48.
Read: Meteor Garden star Barbie Hsu dies at 48
Nitong Lunes, July 28, kumalat online ang magkakaibang litrato ni DJ Koo habang siya ay nasa puntod ng Meteor Garden actress sa Jinbaoshan Cemetery, sa Taiwan.
Ito'y matapos i-post ng isang fan sa Threads ang kanyang karanasan nang personal na makita si DJ Koo rito nang minsan dumalaw siya kasama ang iba pang tagahanga ni Barbie sa puntod ng kanilang idolo.
Read: DJ Koo confirms prenup agreement with late wife Barbie Hsu
Ayon sa nasabing fan, hindi iniinda ni DJ Koo ang matinding sikat ng araw nang makita nila itong nakaupo sa harapan ng puntod ni Barbie.
Nang makita sila, agad daw lumapit si DJ Koo at taus-pusong nagpasalamat sa kanila dahil sa patuloy na pagmamahal ng mga ito sa kanyang yumaong maybahay.
Bahagi ng post ng fan (published as is): "He very politely said, 'Thank you' to us. Honestly, just seeing his figure gave off as deep, overwhelming sense of sorrow.
"I can't even begin to imagine the pain of suddenly losing the love of your life.
"He truly is the most devoted man I've ever seen...I really hope he can find peace and heal from his grief."
Other netizens testify to DJ Koo's almost daily visits to Barbie’s grave
Sa comments section ng Thread post ng fan ay may ilang netizens ding nagpatotoo na halos araw-araw raw kung dumalaw si DJ Koo sa puntod ni Barbie.
Read: Barbie Hsu's husband DJ Koo breaks silence on money issue
Komento ng isang netizen, "My daughter works at that cemetery, she says he really goes up to be with [Barbie Hsu] everyday."
Saad pa ng isa (published as is), "My dad's grave is right next to hers, and I'm not exaggerating when I say I see him every single time I go up to see my dad. (And sometimes it was pouring rain."
Bukod pa rito ang ulat ng Chinese news site na ETtoday na naghahanap na raw si DJ Koo ng bahay malapit sa sementeryo kunsaan nakalibing si Barbie.
Read: Sandara Park credits late Barbie Hsu's influence on her career
Taong 1998 nang magsimulang mapabalitang may relasyon sina Barbie at DJ Koo.
Base noon sa ulat, hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa at nauwi rin sa hiwalayan.
Early 2000's, muli raw nagtagpo ang mga landas nina Barbie at DJ Koo at muling naging magkasintahan.
Hanggang noong 2022, ginulat ni Barbie ang kanyang mga tagahanga nang ianunsiyo niyang siya ay ikakasal na kay DJ Koo.
Read: Meteor Garden's Barbie Hsu marries South Korean singer DJ Koo Jun Yup
Ang kanilang pagpapakasal noong March 8, 2022 ay nangyari makaraang ma-divorce ni Barbie sa kanyang dating Chinese husband, ang businessman na si Wang Xiaofei.

Read: Who is Wang Xiaofei, Barbie Hsu's controversial ex-husband?
Si Wang Xiaofei ang ama ng 10-year-old daughter at eight-year-old son na naulila ni Barbie.
Read: Barbie Hsu's fortune to be divided between husband, two children
