Nalulungkot at nagluluksa pa rin hanggang ngayon ang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay ng namayapang Taiwanese actress na si Barbie Hsu.
Noong August 13, 2025, nag-trending online ang mga larawan ni Jerry Yan nang dumalaw siya sa puntod ni Barbie sa Jinbaoshan Cemetery sa Taiwan.
Read: Meteor Garden star Barbie Hsu dies at 48
Kilalang malapit na magkaibigan ang dalawa mula nang magsama at maging magkapareha sa phenomenal hit drama series na Meteor Garden noong 2001, kunsaan si Jerry ay gumanap bilang si Daoming Si, habang si Barbie naman bilang Shancai.
Read: Jerry Yan, Ken Chu pay tribute to Meteor Garden co-star Barbie Hsu
Ayon sa ulat ng Taiwan’s Next Apple News, unang dumating si Jerry sa puntod ni Barbie na mag-isa.
Makalipas daw ang ilang minuto ay sumunod na dumating sina Taiwanese actress-host Janet Chia at asawa nitong si Wang Chao Chieh.
Isang source umano ng Taiwan’s Next Apple News ang nakasaksi ng pagiging emosyunal ni Jerry sa harapan mismo ng puntod ng dati niyang love team partner.
Agad naman siyang dinamayan ni Janet.
Sa mga picture online, makikita ang pagpapatahan ni Janet sa umiiyak noong si Jerry nang haplusin niya ang balikat ng aktor habang sinasabing, "Shancai, Daoming Si came to see you."

Ito ang unang beses na dumalaw si Jerry sa puntod ni Barbie makaraang sumakabilang buhay ang aktres noong February 2, 2025, dahil sa influenza-induced pneumonia habang nagbabakasyon sa Japan.
DJ Koo spotted visiting late wife Barbie Hsu’s grave almost every day
Samantala, bukod kay Jerry, makailang beses na ring namataan ang asawa ni Barbie na si DJ Koo na madalas na bumibisita sa puntod ng aktres.
Noong July 28, pinag-usapan din online ang post ng isang netizen sa Threads patungkol sa personal nitong interaksyon kay DJ Koo nang minsang dumalaw siya kasama ang iba pang tagahanga ni Barbie sa puntod ng kanilang idolo.
Read: DJ Koo confirms prenup agreement with late wife Barbie Hsu
Ayon sa nasabing fan, hindi iniinda ni DJ Koo ang matinding sikat ng araw nang makita nila itong nakaupo sa harapan ng puntod ni Barbie.
Nang makita sila, agad daw lumapit si DJ Koo at taus-pusong nagpasalamat sa kanila dahil sa patuloy na pagmamahal ng mga ito sa kanyang yumaong maybahay.
Bahagi ng post ng fan (published as is): "He very politely said, 'Thank you' to us. Honestly, just seeing his figure gave off a deep, overwhelming sense of sorrow.
"I can't even begin to imagine the pain of suddenly losing the love of your life.
"He truly is the most devoted man I've ever seen... I really hope he can find peace and heal from his grief."
Sa comments section ng Threads post ng fan ay may ilang netizens ding nagpatotoo na halos araw-araw raw kung dumalaw si DJ Koo sa puntod ni Barbie.
Read: Barbie Hsu's husband DJ Koo breaks silence on money issue
Komento ng isang netizen, "My daughter works at that cemetery, she says he really goes up to be with [Barbie Hsu] every day."
Saad pa ng isa (published as is), "My dad's grave is right next to hers, and I'm not exaggerating when I say I see him every single time I go up to see my dad. And sometimes it was pouring rain."
