Ipinakita na sa publiko ng naulilang pamilya ng Meteor Garden star na si Barbie Hsu ang ipinagawang memorial statue para sa Taiwanese actress.
Ang pagsasapubliko nito ay kasabay ng unang anibersaryo ng pagpanaw ni Barbie nitong Lunes, February 2, 2026.
Itinayo ang memorial statue malapit sa himlayan ng aktres sa Chin Pao Cemetery sa New Taipei, Taiwan.
Ayon sa ulat ng ilang Taiwanese websites, mismong ang asawa ni Barbie na si Koo Jun Yup, na mas kilala bilang DJ Koo, ang pumili ng disenyo ng rebulto.
Read: DJ Koo visits wife Barbie Hsu’s grave almost daily
Hango umano ito sa isang lumang larawan ng aktres, kung saan nakasuot siya ng white dress at may laso ang mahaba niyang buhok.

Ang rebulto ay sinasabing simbolo ng walang hanggang pagmamahal ng pamilya, mga kaibigan, at tagahanga ng yumaong aktres.
Read: Barbie Hsu's fortune to be divided between husband, two children
Sa isang video na in-upload sa Instagram ng Taiwanese contemporary artist na si Chen Dao Lee, makikita kung paano ginunita ng mga mahal sa buhay ni Barbie ang unang taon ng kanyang pagpanaw.
Bagama’t malakas ang buhos ng ulan noong araw na iyon, hindi ito naging hadlang upang magtipun-tipon ang mga nagmamahal kay Barbie sa kanyang puntod upang mag-alay ng dasal.
Read: Barbie Hsu's husband DJ Koo breaks silence on money issue
Meteor Garden co-stars Jerry Yan and Vic Chou attend Barbie Hsu’s memorial event
Bukod sa pamilya ni Barbie, namataan din sa memorial event ang kanyang mga kaibigan at Meteor Garden co-stars na sina Jerry Yan at Vic Chou.

Read: Meteor Garden actor Jerry Yan seen crying at Barbie Hsu's grave
Nagkasama ang tatlo sa phenomenal hit drama series na Meteor Garden noong 2001, kung saan ginampanan ni Jerry ang karakter ni Dao Ming Si, si Barbie bilang Shan Cai, habang si Vic naman bilang Hua Ze Lei.
Nagkaroon ng love triangle ang mga karakter nila sa series.
Read: Meteor Garden stars: Where are they now?
Spotted din sa nasabing memorial event ang Taiwanese singer na si Rainie Yang; Choi Si Won ng South Korean boy group na Super Junior; Taiwanese TV producer na si Wang Wei Chung; at mga TV host na sina Kevin Tsai at Matilda Tao.
