PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korean actor Lee Sang Bo found dead

Lee Sang Bo cleared himself of drug allegations prior to his passing.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 27, 2026
Korean actor Lee Sang Bo passes away at 45
Lee Sang Bo, known for his roles in Korean dramas including Miss Monte-Cristo, has died at 45, with authorities still determining the cause of death.
PHOTO/S: Screengrab on Facebook

Wala nang buhay ang South Korean actor na si Lee Sang Bo, 45, nang matagpuan siya sa loob ng kanyang bahay.

Sa ulat ng ilang Korean news sites, kabilang ang Allkpop, nitong Huwebes, March 26, 2026, nadiskubre raw ng mga awtoridad ang katawan ng aktor sa kanyang tirahan.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng kanyang pagpanaw habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan.

Read: Are Jake Cuenca and Rabiya Mateo an item?

Korean actor Lee Sang Bo passes away at 45
Photo/s: Screengrab on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEE SANG BO'S DRUG USE ALLEGATION

Bago ang kanyang pagpanaw, nasangkot sa kontrobersiya si Lee Sang Bo.

Noong 2022, pansamantala siyang inaresto dahil sa hinalang paggamit ng ilegal na droga.

Kalaunan ay pinalaya rin siya matapos mapatunayan sa kanyang medical records na ang pinaghinalaang substansiya ay legal na gamot na inireseta ng doktor para sa kanyang mental health condition.

Read: Joseph Bitangcol defends Sandara Park from drug use allegation

Who WAs Lee Sang Bo?

Taong 2006 nang nagsimula ang acting career ni Lee Sang Bo nang mapasama siya sa KBS2 drama series na The Invisible Man.

Ang iba pa niyang K-drama series ay Daughters-in-Law at Cruel Love (2007), Private Lives (2020), The Elegant Empire (2023), at ang kanyang kauna-unahang lead role noong 2021 na Miss Monte-Cristo.

Bukod sa mga drama series, nakagawa rin si Lee Sang Bo ng ilang pelikula gaya ng Kizarazu Cat's Eye (2002) at Secretly, Greatly (2013).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lee Sang Bo, known for his roles in Korean dramas including Miss Monte-Cristo, has died at 45, with authorities still determining the cause of death.
PHOTO/S: Screengrab on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results