Usap-usapan pa rin online kung ano nga ba ang namamagitan kina Jake Cuenca at Rabiya Mateo.
Ito’y matapos silang maispatang magkasama sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig, noong March 23, 2026.

Napansin din ng netizens ang pagko-comment ni Jake sa Instagram post ni Rabiya noong March 22 tampok ang mga kuhang litrato ng beauty queen-actress.
Heart-eyes emoji ang iniwang komento ni Jake, na agad namang nireplayan ni Rabiya ng smiling face with halo emoji.

Jake AND RABIYA attend Sienna Stevens’ birthday party
Mas lalo pang lumakas ang hinala ng netizens sa posibleng relasyon ng dalawa nang mamataan muli sina Jake at Rabiya na magkasamang dumalo sa birthday party ng Kapuso child star na si Sienna Stevens.
Nitong Huwebes, March 26, mismong si Sienna ang nag-upload sa Instagram ng mga larawan mula sa kanyang 10th birthday celebration kasama ang ilan niyang bisita.
Makikita sa isa sa mga larawan si Sienna kasama sina Jake at Rabiya.

Malapit sa isa’t isa sina Rabiya at Sienna matapos silang magsama sa GMA Prime series na Royal Blood noong 2023.
Agad namang umani ng samu’t saring reaksiyon online ang nasabing larawan.
Komento ng isang netizen (published as is), "Gaan ng aura ni Jake ang liwanag."
"So totoo ang chismis na sila nga," saad pa ng isa.
Dagdag pa ng isa (published as is), "In fer bagay sila."
Giit pa ng ilan, hindi kataka-takang magkagustuhan ang dalawa lalo na't parehas naman daw silang single.
Hiwalay na si Jake sa dati niyang nobyang si Chie Filomeno.
Si Rabiya naman ay tapos na rin ang relasyon sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.
Read: Jeric, tumangging sabihin ang dahilan ng breakup nila ni Rabiya
JAKE CUENCA ADMITS DATING SOMEONE
Samantala, hindi ito ang unang beses maispatan si Jake na may kasamang babae sa BGC.
Noong January 22, kumalat sa social media ang larawan ng aktor na may ka-holding hands habang naglalakad papatawid sa isang kalye sa BGC.
Hindi pa tukoy kung sino ang nasabing babae.
Kaugnay nito, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal) si Jake noong March 10 kung siya ba talaga ang nasa larawan.
Dito, hindi nag-atubling kumpirmahin ni Jake na totoo ngang nakikipag-date na siya ulit.
Sabi ng aktor: "Well, I'm single... I'm in that stage where I'm enjoying my time. That's also part of enjoying Jake's life.
"So parang, I'm finding myself again. And I'm really lucky to be meeting, like, amazing people at the same time.
"Really fortunate to be meeting, like, you know, amazing people who are great company as well."
Read: Is Jake Cuenca ready to fall in love again?
Tila may pagbawi rin si Jake sa sinabi niya noon na kung papasok siya muli sa isang relasyon ay nais niya sanang hindi taga-showbiz ang babae.
"Can't really make those promises. Sa akin, I like what I like. Kung may gusto ako, gusto ko talaga.
"So whether it showbiz, non-showbiz, I can't really promise that.
"You know, for me, I like what I like. So kapag gusto ko ang isang babae, it doesn't really matter to me if she's showbiz or non-showbiz.
"What matters is what how feel for the person," saad niya.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag sina Jake at Rabiya tungkol sa napapabalita nilang relasyon.
Read: Rabiya Mateo diagnosed with depression and anxious distress
