Walong buwan sa kulungan at multa ang parusa sa elderly British couple na nanakit ng isang Filipina healthcare worker sa United Kingdom (UK) noong August 2025.
Ang biktima ay si Apple Moorhouse, isang nurse na 16 taon nang naninirahan sa UK at isa nang British national doon.
Ang mga hinatulan ay ang mag-asawang Fyona, 72, at Michael Bairstow, 77.
Nangyari ang diskriminasyon kay Apple sa Manor Heath Park sa Halifax noong nakaraang taon.
Kasama niya noon ang kanyang dalawang anak na batang babae at mga magulang mula sa Pilipinas na nagbabakasyon.
Ang insidente ay nakunan ng video, na ibinahagi ng biktima sa social media, kung saan nag-viral.
Read: Pinay nurse, kids suffer assault, discrimination from UK couple
THE VERDICT
Noong March 11, 2026, nag-plead ng guilty ang British elderly couple sa Bradford Magistrate’s Court.
Read: British couple pleads guilty in racist attack on Filipina nurse
Ibinababa naman ang hatol nitong April 16, 2026.
Bago nito, tahasan munang kinondena ng hukom ang naging asal ng British couple laban sa Filipina nurse.
Pinatayo muna sila at tinignang mabuti ng bench chair na si Gill Arnold.
“That kind of attitude and those words and the things you said to Ms. Moorhouse, is not something that comes out of the blue in a second, it's something deeply rooted,” saad ni Arnold sa ulat ng BBC nitong April 16.
"That somebody can be so vile and aggressive to somebody such as this young woman here - I can only think you must be extremely ashamed.
“I feel sickened.”
Sagot naman ni Michael Bairstow, “We are ashamed."
Iniutos ni Arnold ang pagkakakulong ng Bairstow couple ng walong buwan at pagbabayad ng 175 pounds (PHP14,000) each sa Pilipina nurse at 100 pounds (PHP8,100) sa isa pang complainant.
Ang complainant ay isang passerby na nasaktan din ni Michael nang sitahin nito ang Bairstow couple sa pag-atake nila kay Apple.
PINAY NURSE’S REACTION AFTER VERDICT
Hangad naman ni Apple na maipabatid ang malinaw na mensahe sa publiko ukol sa kinahinatnan ng elderly couple: isang krimen ang racism.
"It's a clear message that we're all equal, that racism is not acceptable,” sabi ni Apple sa reporters.
Hindi niya inasahang makukulong ang British couple.
“I can’t say I’m glad about it, I feel sorry for them,” aniya.
Sa kanyang Facebook page, nag-post si Apple ng art card na ang nakasulat ay “Justice served.”
Caption niya rito: “I'm not sure how I should feel, but I hope this will send a clear message to everyone that racism is a crime and cannot be ignored.”
Sinabi riin niya sa panayam na ikinalulungkot niyang makukulong ang elderly British couple dahil kasing-edad ng mga ito ang kanyang mga magulang, subalit hindi niya hawak ang desisyon.
THE AUGUST 2025 INCIDENT
Ang diskriminasyon kay Apple noong August 2025 ay nagsimula sa pagtahol ng mabangis na aso ng British couple sa kanyang six-year-old daughter at ama.
Sinabihan sila ni Apple na kung hindi makontrol ang aso ay itali ito.
Nauwi sa argumento ang pangyayari.
Makikita pang binuhusan ng tubig ng lalaking Briton si Apple at ang anak nito.
Nakunan din ang lalaki na sinasabihan si Apple ng “ban the immigrants” at “go back on the boat.”
Kinutya naman ng babaeng Briton ang ama ni Apple na hindi raw marunong mag-Ingles.
Makikita rin ang paghablot ng babae sa buhok ni Apple para mawalan ito ng balanse. Mahigpit ding hinawakan ang braso ng nurse na nagresulta sa pasa.
Dahil sa insidente, nahirapan daw bumalik sa trabaho si Apple at naramdamang hindi siya ligtas dahil sa trauma.
Bahagi ng sinabi niya noon: “I’ve been here since 2009 and never had anything like this before, for 10 years, it was fine, but now it’s got worse.
“Caring was my passion, but then this happened and it was hard to go back.”
