Naghain ng arrest warrant ang Seoul Central District Prosecutors' Office laban kay Kim Se Eui, operator ng YouTube channel na HoverLab o mas kilala bilang Garosero Research Institute, kaugnay sa pagpapakalat umano nito ng maling impormasyon laban sa South Korean superstar na si Kim Soo Hyun.
Ang Garosero Research Institute ay isang independent media platform sa South Korea na nakilala bilang "whistleblower" o nagbubulgar ng eskandalo sa mundo ng entertainment, business, at politics.
Isa sa malaking eskandalong ibinulgar nito ay ang pakikipagrelasyon daw ni Kim Soo Hyun sa namayapang aktres na si Kim Sae Ron nang menor de edad pa lamang ito.
Read: Kim Soo Hyun vows to clear his name amid allegations
Ayon sa inilabas na impormasyon noon ng Garosero, 15-anyos lamang si Kim Sae Ron nang magsimula ang sinasabing relasyon nila ni Kim Soo Hyun, na noo’y 27 taong gulang.
Tumagal daw ang relasyon nila ng anim na taon—mula huling bahagi ng 2015 hanggang unang bahagi ng 2022.

Read: Kim Soo Hyun's private photo at Kim Sae Ron's house goes viral
Taliwas ito sa ipinaglalaban ni Kim Soo Hyun na nasa hustong edad na raw si Kim Sae Ron nang magkaroon sila ng relasyon.
At tumagal lamang daw ng isang taon ang kanilang ugnayan — mula summer (June to August) ng 2019 hanggang autumn (September to November) ng 2020.
Read: Kim Soo Hyun finally admits past relationship with Kim Sae Ron
Ngunit nanindigan ang Garosero na ito ang nagsasabi ng katotohanan.
Bilang patunay, naglabas pa ng ilang "ebidensiya" ang nasabing YouTube channel ng mga larawan at video nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron noong sila'y magkarelasyon sa tulong ng naulilang pamilya ng aktres.
Kabilang sa mga isinapubliko ng pamilya ni Kim Sae Ron, sa tulong ng Garosero, ay ang audio recording mula sa isang "whistleblower."
Ang whistleblower ay isa raw taong malapit kay Kim Sae Ron. Bagamat hindi nila pinangalanan, ayon sa kanila ito'y taga-New Jersey, USA.
Laman ng audio recording ang diumano'y pag-amin ni Kim Sae Ron na nagkarelasyon sila ni Kim Soo Hyun noong siya'y nasa "middle school" pa lamang.
Base sa audio recording, January 10, 2025 daw nang magkita sa isang coffee shop sa New Jersey si Kim Sae Ron at ang whistleblower.
Read: Kim Soo Hyun camp answers "false claims" of Kim Sae Ron's family
Samakatuwid, ang audio recording ay nai-record mahigit isang buwan bago sumakabilang buhay si Kim Sae Ron noong February 17, 2025.
Nasa audio recording din ang diumano'y pag-amin ni Kim Sae Ron na pakiramdam daw niya ay nagamit lang siya ni Kim Soo Hyun.
May ilang sensitibong detalye rin daw na nabanggit ang aktres sa recording na may kaugnayan sa pagsama ni Kim Soo Hyun sa ibang babae habang karelasyon pa nito si Kim Sae Ron.
Read: Kim Sae Ron's family demands public apology from Kim Soo Hyun
Dahil sa naturang audio recording, sinampahan ng reklamong paglabag sa Child Welfare Act ng pamilya ni Kim Sae Ron si Kim Soo Hyun.
Bukod sa audio recording, ibinigay rin ng pamilya ni Kim Sae Ron sa Garosero ang nadiskubre nilang screenshots umano ng ilang private text messages nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron noong sila'y magkarelasyon pa.
Base sa petsa ng palitan ng mensahe ng dalawa, menor de edad pa lang daw si Kim Sae Ron nang magkaroon sila ng relasyon ni Kim Soo Hyun.
Dito makikita ang petsang "June 2016" nang magpalitan ng sweet messages ang dalawa na karaniwang ginagawa ng magkasintahan.
Read: Kim Sae Ron's family releases private chats with Kim Soo Hyun
Korean police seek arrest warrant for Garosero head over alleged fabricated evidence
Sa pag-iimbestiga ng awtoridad, napag-alaman nilang "fabricated" ang mga inilabas na ebidensiya, gaya ng mga screenshot at audio recording ng Garosero kaugnay sa relasyon noon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron.
Ayon sa ulat ng Korea JoongAng Daily ngayong Biyernes, May 22, 2026, totoong nagbigay ng screenshot ang pamilya ni Kim Sae Ron sa Garosero tungkol sa palitan noon ng mensahe ng aktres at Kim Soo Hyun.
Read: Kim Sae Ron's family sues Kim Soo Hyun for child abuse
Ngunit sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng mga awtoridad na ilan sa mga screenshot ay minanipula at in-edit ng Garosero bago inilabas sa publiko upang palabasing may maling ginawa si Kim Soo Hyun.
Nadiskubre rin nilang peke ang audio recording at nilikha lamang gamit ang AI (artificial intelligence), kung saan ginaya ang boses ni Kim Sae Ron.
Paniniwala ng pulisya, ginamit lamang ng Garosero, sa pangunguna ni Kim Se Eui, ang naging relasyon noon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron upang makakuha ng views para sa kanilang YouTube channel.
Dahil dito, naghain ng arrest warrant ang Seoul Central District Prosecutors’ Office laban kay Kim Se-eui dahil sa paglabag niya sa Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crimes, partikular sa mga probisyon tungkol sa "illegal filming and distribution using cameras."
Read: Brands cut ties with Kim Soo Hyun amid controversy
Nakatakdang ganapin ang pagdinig para sa warrant review sa susunod na Martes, May 26, sa Seoul Central District Court.
Pahayag ng Seoul Central District Prosecutors' Office (base sa English translation ng Korea JoongAng Daily: "The suspect distributed false information with the intent to defame Kim Soo Hyun, despite being fully aware that he had never been in a relationship with the deceased from when she was a minor.
"The suspect knew that the identity of the conversation partner had not been confirmed, but posted the manipulated materials to make it appear as if the two had actually been talking to each other."
