Kuwento ni Private Moirah: Miss Q & A contestant na dating sundalo

by Bernie V. Franco
Sep 12, 2022
Private Moirah
Meet Private Moirah, a.k.a. Private Ramon Mangaoang Jr. Siya ay dating sundalo na Miss Q & A contestant ng It's Showtime ngayon: “For almost three years po nag-serve po ako sa military.”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment / Moirah Mangaoang)

Naintriga ang viewers sa kuwento ng "Miss Q & A" contestant na si Private Moirah, 23, noong Sabado, September 10, 2022.

Ibinunyag ng contestant sa gay pageant ng It’s Showtime na dati siyang sundalo sa army.

“I’m the first openly-gay trainee sa Philippine army,” ani Private Moirah sa mga hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Kim Chiu.

“For almost three years po nag-serve po ako sa military.”

Si Private Moirah ay napabilang sa 7th Infantry Division ng Philippine Army.

At dream come true rin para sa kay Private Moirah ang maging candidate sa "Miss Q and A."

“Sabi ko nung nasa [training] pa po ako, pinapanood ko yung TV, 'Miss Q & A.' And habang naka-duty po ako sa kampo, sabi ko, ‘Kailan kaya ako makakasali diyan?’ Sabi ko, ‘Sana bago ako mamatay… makasali ako diyan.’”

private moirah miss q and a

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Private Moirah joined It's Showtime's Miss Q & A on September 10, 2022.

Noong Sabado, si Private Moirah ay naging daily winner sa Miss Q and A, pero nabigong pataubin ang defending queen.

Umalis na sa serbisyo si Private Moirah at isa na ngayong sibilyan, na ang misyon ay tuparin ang iba pa niyang mga pangarap sa buhay.

Gayunpaman, nakakausap pa rin niya ang kanyang mga seniors sa Army.

Sabi niya, “Meron pa rin akong communication sa kanila pag kinukuha nila akong host, emcee, choreographer, and make-up artist po.”

FROM A FAMILY OF SOLDIERS

Ibinahagi ni Private Moirah, o Ramon Mangaoang Jr. sa tunay na buhay ang kuwento ng kanyang buhay sa kanyang YouTube vlog noong June 18, 2020.

“I came from a family of soldiers. Magmula sa lolo ko, hanggang sa mga tito ko, at sa papa ko, sa mga pinsan at kapatid ko, most of them are soldiers talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nagkaroon ng expectation sa kanya na susunod siya sa kanilang mga yapak.

Pero sa murang edad, alam na raw niyang may iba sa kanya.

“Bata pa lang ako, sobrang lambot ko talaga, dzai.”

Pinalaki raw siya ng ina sa saliw ng SexBomb Dancers at Viva Hot Babes.

Pero sinikap niyang tuklasin ang sarili.

Noong high school nga ay nanligaw pa siya ng babae, kahit pa may nararamdaman siyang atraksiyon sa mga lalaki.

“As time goes by, mas naramdaman ko talaga na mas lamang ang pusong pagkababae ko.”

Mas naging komportable si Private Moirah sa kanyang sexual identity pagdating ng kolehiyo.

Nagpahaba na siya ng buhok at nagsuot ng damit pambabae na walang permiso ng ama.

Aminado siyang napagbuhatan siya ng kamay ng ama.

private moirah

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Private Moirah in her college days.

Kumuha si Private Moirah ng kursong Secondary Education Major in English sa Cabanatuan.

Bukod sa pagiging scholar, suma-sideline siya bilang make-up artist, events host, choreographer, at sumasali rin sa beauty contests.

ENTERING THE MILITARY

Napabayaan niya ang kanyang pag-aaral dahil sa dami ng mga pinasukan.

Ayaw na raw niyang iasa sa mga magulang ang kanyang edukasyon.

Subalit nakaranas ng malaking dagok ang kanyang pamilya noong 2016.

Nasawi ang kanyang sundalong kapatid dahil sa pakikibaka nito sa mga terorista sa Mindanao.

Dinamdam ito ni Private Moirah: “Hindi kasi madali sa akin ang mawalan ng kuya dahil isa siya sa mga inspiration ko para lumaban sa buhay.”

Nagbitaw si Private Moirah ng pangako sa kanyang kuya na “ipagpapatuloy ang sinimulang tungkuling maglingkod sa bayan.”

Noong una ay wala siyang ideya kung paano ito gagawin.

Nang magsimula siyang humanap ng trabaho sa Maynila, nahirapan si Private Moirah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan, nasa Taguig siya at nakaramdam ng lungkot, humingi siya ng lakas sa kanyang kuya.

May mga nakita siyang dumaan na mga sundalo. Ito ang naging sign ni Private Moirah.

Nagtungo siya sa Fort Bonifacio at nag-inquire sa army recruitment.

Tinanong daw siya ng mga sundalo sa information desk kung ano ang kasarian niya at sinabing isa siyang gay.

Ang sabi raw sa kanya ng mga sundalo, “Alam mo, walang discrimination sa army anuman ang kasarian mo. Tanggap ka rito.

“Pero handa ka na bang harapin ang pagsusundalo at talikuran ang pagiging isang bakla?”

Sagot daw ni Private Moirah, isa siyang bakla, pero lalaki ang tunay na kasarian.

Humingi siya ng pagkakataong patunayan na kaya niya.

Limang buwan nanatili sa military training si Private Moirah, at ang mga panahong iyon ang kanyang “worst at dark moments.”

May mga kasamahan daw siyang nag-quit at naisip din na sumuko na.

private moirah

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Limang buwan ang naging training ni Private Moirah.

Pero “may bumubulong sa akin na huwag akong sumuko.”

SERVING THE COUNTRY

Nang pumasok si Private Moirah ay 100 kilos ang timbang niya.

Nang matapos ang training ay naging 60 kilos siya.

Sa wakas ay natapos ang training at hinirang siyang Private Ramon Mangaoang Jr.

“Nagpapasalamat pa rin ako na tinanggap pa rin nila ako kahit ganito ako.

“Marami rin akong natutunan sa pagsusundalo: ang maging matapang, maging disiplinado, at maging matulungan sa kapwa.”

Sabi niya, “Ang sarap maging sundalo hindi dahil sa sahod… para i-prove sa sarili ko at i-prove sa ibang tao na hindi lang lalaki ang kayang maging sundalo.

“Maski ang mga babae marami na po mga babae ang nagsusundalo ngayon para makapaglingkod sa bayan.

“Kaya rin naming mga beki.”

private moirah

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

private moirah

Aniya, “Ngayon, wala na ako sa serbisyo dahil napagdesisyunan ko na rin umalis dahil marami pa akong gustong tuparin sa buhay ko, at marami pa akong gustong abutin na mga pangarap ko.

“Kahit wala na ako sa serbisyo ay patuloy pa rin akong maglilingkod sa bayan sa anumang aspeto at paraan ng pagtulong at pagsuporta sa adhikain ng gobyerno.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Private Moirah, a.k.a. Private Ramon Mangaoang Jr. Siya ay dating sundalo na Miss Q & A contestant ng It's Showtime ngayon: “For almost three years po nag-serve po ako sa military.”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment / Moirah Mangaoang)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results