Malaking biyayang maituturing ang pagdagsa ng ilang toneladang maliliit na isda sa Brgy. Poblacion, Mandaon, Masbate kamakailan.
Halos tatlong tonelada o higit 2,700 kilos ng maliliit na isdang juvenile herrings ang inanod sa dalampasigan ng naturang barangay noong February 22, 2023.
Ang juvenile herrings ay tinatawag na “Lupoy” ng mga taga-Masbate.
Sa mga nagkalat na larawan at videos online, makikitang hindi magkamayaw ang mga residente sa pagpulot ng balde-baldeng isda sa dalampasigan.

Related articles:
Pero bakit nga ba dumagsa ang libu-libong isda sa dalampasigan?
May mga residente at netizens na nagkomentong marahil ay dahil ito sa magkakasunod na lindol na naranasan sa lugar.
Nagkaroon ng 6.6-magnitude earthquake sa Masbate noong February 16, 2023 at sinundan ito ng 23 aftershocks.
Ang insidente ng pagdagsa ng mga isda ay tinatawag ding sardine beaching, kung saan ang mga isda ay inaagos palayo sa tubig.

WHY SARDINE BEACHING HAPPENS
Binigyang linaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung ano ang posibleng dahilan ng insidente.
Kabilang dito ang biglaang water physicochemical changes, oxygen depletion, at masamang panahon, ani Chief Nonie Enolva ng Marine Fisheries Resource Management Section ng BFAR-Bicol, ulat ng Brigada News Sorsogon.
Naglabas din ng official statement ang BFAR-Bicol via Facebook para ipaliwanag ang nangyari.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng ahensiya ay ang fishing closure o pansamantalang pagkontrol sa pangingisda.
May epekto rin ang panahon ngayon sa ganitong uri ng isda.
Bahagi ng official statement, “[W]e also have to learn to appreciate that fisheries management such as implementation of fishing closure in some parts of the country help recover sardine population.
“That regulation has been pivotal in recovering fish stocks in the Visayan Sea.
“There is high occurrence of sardine beaching in areas where regulations have been implemented and it is also important to note that it is still peak season for sardines currently."

Ayon kay BFAR Bikol Regional Director Ariel U. Pioquinto: "There are a lot of possible triggers why sardine beaching occurs, it can be a sudden change in sea surface temperature and dissolved oxygen or it can be that their food source is near the shore, among others.”
