May Philippine eagle sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.
Girlie ang pangalan niya.
Ngayong 2023 ay tinatayang 43 years old na si Girlie.
Natagpuan siya noong October 1982 sa Talakag, Bukidnon sa isang bitag.

Read also: Nasilayan sa wakas si Pamarayeg lll, ang 5-month-old Philippine eagle
Hindi okay ang kanyang kondisyon noon dahil may sugat siya sa pakpak.
Nabulag din ang kanyang kanang mata.
Hinihinalang tinamaan siya ng tirador.
Matapos ma-rescue, dinala si Girlie sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), na nilipat naman siya sa Philippine Eagle Center sa Davao City para gawing breeder stock o palahian.
Read also: Juvenile Philippine crested serpent eagle, na-rescue sa Sarangani
NANGITLOG PERO HINDI NAPISA
Habang nasa captivity, ipinareha si Girlie sa male Philippine eagle na si Tsai.
Si Tsai ay natagpuan naman sa Taiwan at pag-aari ng Taiwanese businessman, ngunit ibinalik sa Pilipinas noong 1981 matapos ang matagumpay na negosasyon dito ng Philippine Eagle Foundation.
Read also: Ex-Japanese Prime Minister Shinzo Abe, may inampong Philippine eagle noong 2017
Wala nang nabanggit kung paano nakarating si Tsai sa Taiwan, at kung paano ito na-acquire ng negosyante.
Nag-mate sina Girlie at Tsai.

Nangitlog si Girlie, at iyon ang pinakaunang tala na may Philippine eagle na nangitlog habang nasa captivity sa pamamagitan ng natural pairing.
Sa kasamaang palad, hindi na-hatch ang kanyang naging itlog.
Hindi na rin siya ibinalik sa wild dahil sa kondisyon ng kanyang kanang mata.
“critically endangered”
Noong 2009, dinala na si Girlie sa NAPWC para makita ng publiko at magkaroon ang mga tao ng awareness kung bakit kailangang i-save ang Philippine eagle.
Ang mga conservation centers, gaya ng Philippine Eagle Foundation at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, ay patuloy na nagsisikap na ma-rehabilitate at masagip ang ating pambansang ibon sa pagiging extinct.
Read also: Philippine eagle na na-rescue noong 2021, ibinalik na sa wild
Ang Philippine eagle ang itinuturing na "largest and most powerful among forest raptors."
Nakatala rin ito bilang “critically endangered” sa International Union for Conservation of Nature (IUCN).
Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 400 pairs na lang ng Philippine eagle ang nalalabi sa wild.
Ngayong 43 years old na si Girlie, nalampasan na niya ang estimated lifespan ng isang Philippine eagle na nasa 30 hanggang 40 taon.
Read also: Nakapanghihinayang! Philippine eagle Chick#29, patay nang matuklaw ng python
“PLEASE, DO COME AND VISIT HER.”
Last May 14, 2023 ay nag-post si IAm Guevarra Bogs ng mga larawan ni Girlie sa Facebook Page na Wild Bird Photographers of the Philippines.
Ang WBPP ay community ng mga bird watchers kung saan ibinabahagi ng mga miyembro ang kuha nilang photos ng mga ibon, mga detalye tungkol sa mga ito, lugar kung saan nakunan ng larawan, at maging ang uri ng camera at lente na ginamit.
Read also: Philippine eagle na na-rescue noong 2021, ibinalik na sa wild

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bogs para i-verify kung recent ang mga nai-post niyang larawan ni Girlie, at kung naroroon pa ang naturang Philippine Eagle.
Nag-reply siya noong May 17.
Pagkukumpirma ni Bogs, “Yun, andun pa siya.”
Paanyaya pa niya sa mga gustong makakita ng aktuwal na Philippine eagle, “Please, do come and visit her.”
Ipinaaalala naman ng DENR sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang mangaso ng Philippine eagle dahil kabilang ito sa mga protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147, o “An act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats, appropriating funds therefor and for other purposes,” na nagkabisa noong July 30, 2001.
Read also: PEP YEARENDER 2022: Animal stories na kinagiliwan, pinag-usapan