Naantig ang marami sa post tungkol sa asong inabandona sa isang parking area sa Tondo.
Ipinost ng “Anonymous participant” sa Dog Lovers Philippines, isang pet community sa Facebook, ang makadurog-pusong sinapit ng aso na may pangalang Brownie at edad na three years old.
Iniwan siya sa tapat ng isang bakery sa Del Rosario Street, Gagalangin, Tondo, Manila, ayon sa post ng uploader nitong January 24, 2024.
Makikita ang malungkot na aso na nakaupo sa isang sulok.
May nakapaloob na liham sa nakasabit na transparent plastic sa kadenang nakatali sa leeg ni Brownie.
Ipinost din ang kabuuang nilalaman ng liham at nakalahad dito kung bakit inabandona ng may-ari si Brownie.
Hindi raw nito kayang maalagaan si Brownie dahil sa kahirapan.
Mayroon pang sakit si Brownie, at hindi niya ito kayang ipagamot.
Read: Tondo Church denounces "iskandalo" dance of shirtless men at Sto. Niño festival

Ang nakasabit na liham sa leeg ni Brownie
‘SORRY BROWNIE’
Sa two-page letter, nangumpisal ang di-kilalang may-ari ng aso kung bakit napilitan siyang iwanan ang alaga.
Panimula niya, published as is, “Brownie sorry kung iniwan kita."
Bagama't "sobrang hirap" at "sobrang sakit," napilitan daw siyang gawin ito dahil “hindi kita naalagaan ng maayos.”
Aniya pa, “Lagi ka na naiiwan sa bahay mag-isa lagi kameng busy ni Mommy mo sa work, sorry talaga.”
Binanggit din niyang may sakit si Brownie.
“Hindi ko alam gagawen ko para ipagamot ka dahil mahirap lang tayo.
“Hindi ko alam kanino hihingi ng tulong kaya sobrang sorry Brownie.”
Nag-iwan din ng mensahe ang owner sa sinumang magiging tagapag-alaga ni Brownie.
“Humihingi po ako ng sorry at salamat. Sana po maalagaan nyo sya ng maayos.”
Sinabi rin nitong matalino at malambing ang aso. May alam din daw itong tricks tulad ng “stay” at “sit.”
Dagdag pa ng fur parent, “Gala din po sya pero marunong po umuwi ng bahay. Sya lang po kasi naiiwan sa bahay.
“Alam ko po na sa ginawa ko hindi ko deserve magkaron ng aso.
“Sana po maintindihan nyo.”
Read: Fast-food worker never missed a day of work in 27 years; receives donation worth PHP25.7M

Ang heartbreaking letter ng fur parent ni Brownie
Humingi rin ng paumanhin ang may-ari kay Brownie.
“Sorry Brownie pagdadasal kita palagi at sana maging masaya ka sa magiging bestfriend mo buddy.
“Mahal na mahal kita Brownie.”
Batay sa mga komento, marami ang naantig sa malungkot na itsura ni Brownie.
Marahil ay ramdam daw nito na siya ay inabandona.


