PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tondo Church on dance of shirtless men at Sto. Niño festival

Some netizens call the dance "mahalay."
by Bernie V. Franco
Published Jan 25, 2024
dancing naked men and image of Santo Nino
The Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño releases official statement on topless men gyrating to the music during Lakbayaw Festival 2024: “Nawa ay makapagbigay linaw sa lahat kailan ay hindi pinahihintulutan ng Simbahan ang mga gawain na nagbubunga ng iskandalo sa ating pananampalataya.”
PHOTO/S: Facebook (Jae Garcia and Parish Church of Santo Nino Tondo, Manila)

Napansin sa social media nitong weekend ang grupo ng mga lalaking shirtless at gumigiling noong Pista ng Santo Niño sa Tondo, Maynila.

Sila ang Genaro Tribe, na tampok sa Lakbayaw Festival 2024 noong January 21, 2024.

Sabay-sabay ang mga lalaki sa pag-indayog ng kanilang maskulado pero malalambot na katawan sa saliw ng musika ng isang banda.

Kapansin-pansing ang dance steps ng grupo ay hindi ang tradisyunal na galaw ng mga deboto tuwing may prusisyon.

Ilang netizens ang nagkomentong “mahalay” ang kanilang sayaw.

Tila sumang-ayon naman dito ang parish church ng Tondo, at tinawag na “iskandalo" ang paggiling ng mga lalaki.

Read: Man busted after dressing up as a woman to take exam in place of girlfriend

dancing topless men

May netizens na nagsabing "mahalay" ang sayaw ng grupo ng mga kalalakihan noong Pista ng Santo Niño sa Tondo, Maynila.

Inilabas ang official statement ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño o Tondo Church sa FB page nito noong January 23.

Pirmado ito ng rector at parish priest ng simbahan na si Reverend Monsignor Geronimo F. Reyes, JCD.

Sabi nito, “Nais linawin ng Parokya ng Santo Niño de Tondo na ang mga video na nagsasayaw ng nakahubad o walang pang-itaas na damit na kumakalat sa social media ay walang kaugnayan sa ating simbahan…

“At kailanman ay hindi kinukunsinti ang mga ganitong gawain kaugnay ng Pagdiriwang ng ating Kapistahan.”

Read: Fast-food worker never missed a day of work in 27 years; receives donation worth PHP25.7M

dancing topless men

Sa opisyal na statement ng parish priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño, sinabi nitong hindi nila kinikilala ang "street dancing" na ginawa ng grupo ng mga kalalakihan.

Sinabi ng simbahan na ang “Lakbayaw ay pinag-isang salita na Lakbay at Sayaw na may layunin na isayaw sa Santo Niño ang ating mga kahilingan.”

Pagpuna ng pari sa ginawang paggiling ng mga kalalakihan, “hindi nakaugnay sa angkop na layon ng Lakbayaw at pagpaparangal sa debosyon sa Pintakasing Santo Niño na may katauhan bilang bata na may kababaang loob at masunurin sa Diyos Ama.

“Hindi na po ito ang diwa ng Lakbayaw na dapat magsalarawan ng ating pananampalataya at pasasalamat sa Batang Diyos na Siyang sentro ng ating pagdiriwang.”

Sinabi rin sa pahayag na hindi kasama ang grupo sa mga nagpatala sa kanilang parokya para mapabilang sa prusisyon.

“Malinaw sa nangyari na ang atensyon ng mga deboto at mananampalataya na dapat ay nakasentro sa ating Mahal na Poong Santo Niño ay inaagaw ng mga ganitong gawain bilang indibidwal.

“Ang kanilang kilos ay hindi maiuugnay sa Lakbayaw, ang kanilang pagtatanghal ay sa kanilang kaparaanan o Street Dancing sa kanilang lugar.”

Hirit pa sa pahayag, ang mga namamanata ay dapat daw gumagawa ng kilos na nakapagbibigay “lugod at papuri sa Diyos.”

“Nawa ay makapagbigay linaw sa lahat kailan ay hindi pinahihintulutan ng Simbahan ang mga gawain na nagbubunga ng iskandalo sa ating pananampalataya.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño releases official statement on topless men gyrating to the music during Lakbayaw Festival 2024: “Nawa ay makapagbigay linaw sa lahat kailan ay hindi pinahihintulutan ng Simbahan ang mga gawain na nagbubunga ng iskandalo sa ating pananampalataya.”
PHOTO/S: Facebook (Jae Garcia and Parish Church of Santo Nino Tondo, Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results