Sa maniwala kayo at sa hindi, ang pinakamahal na baka sa buong mundo ay nagkakahalaga ng $4.38 million o katumbas ay higit PHP246 million.
Sapat na halaga na iyon para makabili ng maraming properties, o kaya ay mag-travel around the world, o kaya ay mamuhay nang marangya at hindi kelangang magtrabaho.
Ito ang presyo ng Nelore female cow na may pangalang Viatina-19 FIV Mara, ang most expensive cow sold in an auction na naitala ng Guinness World Records.
Isinilang ang baka sa Nova Iguaçu de Goiás, Brazil, at itinuturing ngayon bilang “the best Nelore cows in history,” ayon sa Guinness.
Ang Viatina-19 FIV Mara ay 61-month-old cow o tinatayang five years old.
Read: Painted cow agaw-eksena sa Valentine’s Day 2024
Nabenta ang baka sa auction sa Sao Paulo, Brazil, noong June 21, 2023.
Ang baka ay pagmamay-ari ngayon ng tatlong cow breeders sa Brazil: ang Casa Branca Agropastoril, ang Agropecuaria Napemo, at ang Nelore HRO.
Ang Nelore breed ay kilala sa “bright white fur and distinctive hump above the shoulders.”
Ayon pa sa isang website, ang karne ng Nelore ay "considered to be very tasty and high quality. The meat is lean and tender, and contains just enough fat."

Nelore cattles are adaptable even in hard environmental conditions
Read: 12-year-old kid traps leopard inside office
Ang pangalan ay hango sa kanilang pinagmulan: ang Nellore district sa Andhra Pradesh sa India.
May scientific classification ay Bos indicus o subspecies ng humped cattle na nagmula sa lahi ng Ongole cattle ng India.
Sila ay malakas at adaptable kaya mabilis na naging prominente ang breed nila sa Brazil.

Read: Guinness oldest living man dies two months before 115th birthday
AN IMPORTANT CATTLE BREED
Dahil sa sobrang mahal naibenta ang Viatina-19 FIV Mara, itinaas nito ang antas ng Nelore cattle breed na buong mundo.
Bukod sa mga nabanggit, ano pa ba ang mga dahilan para maging espesyal ang mga bakang ito?
Ayon sa Guinness website, sila may “remarkable heat tolerance mainly attributed to their fur, which effectively reflects a wide range of light wavelengths, as well as their unique sweat glands.”
Matatag ang ganitong breed sa kabila ng harsh ang environment dahil sa “ability to thrive on poor-quality forage, due to its efficient metabolism.”
Mabagal kasi ang kanilang metabolism kaya hindi sila kailangang pakainin nang madalas. Kaya ring mabuhay ng Nelore cattles kahit hindi uminom nang ilang linggo.
