PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Russian guy arrested for his hair color

Siya na ang nabugbog, siya pa ang nakulong.
by KC Cordero
Published May 3, 2024
Screenshot of Stanislav Netesov's hairstyle
Inatake si Stanislav Netesov ng hindi nakilalang grupo at nagsumbong siya sa mga pulis. Pero sa halip na pakinggan ang kanyang salaysay, inaresto siya ng mga pulis dahil sa kulay ng kanyang buhok.

Dahil sa hair color, isang Moscow resident ang inaresto ng mga awtoridad.

Si Stanislav Netesov ay inatake ng hindi nakilalang grupo noong April 27, 2024.

Nasa isang bus stop siya sa sentro ng Moscow nang maganap ang insidente.

Papauwi na noon si Stanislav galing sa trabaho.

Ninakaw ng mga umatake sa kanya ang dala-dalang smartphone.

Isang ngipin din niya ang nabungi dahil sa panggugulpi sa kanya ng grupo.

Read: Applicant submits resume attached to pizza box

POLICE NOTICES VICTIM'S HAIR COLOR

Kinabukasan, nagpunta si Stanislav sa Ministry of Internal Affairs na nasa Tverskoy district para isumbong ang krimeng nangyari sa kanya.

Pero nagulat siya dahil sa halip na pakinggan ang kanyang salaysay at tulungan siyang matukoy ang mga umatake sa kanya, mas naging interesado ang mga pulis sa kulay ng kanyang buhok.

Read: Cat’s eye dazzle plant sold online turns out to be fake

Screenshot of Stanislav Netesov's hairstyle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Steve Jobs’s signed business card sold for PHP10M

Ipina-dye kasi ni Stanislav ang kanyang buhok ng yellow, blue and green.

Sabi sa kanya ng mga pulis, ang mga kulay na iyon ay simbolo ng Ukraine.

Isa rin umano iyong pangungutya sa Russian Army—at may katumbas na kaparusahan sa ilalim ng kanilang batas.

Read: Pet cat accidentally shipped to Amazon warehouse

HAVING SUCH HAIR COLOR IS A CRIME

Sa salaysay ni Stanislav sa OVD-Info, isang independent media and human rights defense group na nagmo-monitor at lumalaban sa mga pang-aabusong nagaganap sa Russia, sinabi niyang gumawa ang mga pulis ng report tungkol sa kanyang nagawang “krimen.”

Ayon sa OVD-Info,"The police officers decided that Netesov's hairstyle symbolizes Ukraine and discredits the Russian Army, drawing up a protocol against him,"

Read: Man steals identity of former co-worker for 35 years; co-worker ends up in jail, mental institution

Kinunan din si Stanislav ng fingerprints.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinadala rin siya sa military registration and enlistment office para sanayin na maging sundalo.

Doon ay sinabi ng mga nakatataas na pahahalikin si Stanislav ng mga ito sa kanyang native soil.

Inakala ng mga ito kasi na sympathizer siya ng Ukraine.

Read: Coffin car sold for PHP1.6M; registered, with license plate

RUSSIA PARANOID ABOUT YELLOW AND BLUE COLORS

Libu-libo na ang pinarusahan ng Russia dahil sa pagtuligsa ng mga ito sa ginagawang opensiba ng Kremlin sa Ukraine simula noong 2022.

Ang anti-Ukrainian paranoia ay nagresulta para i-ban ang mga kulay na yellow at blue sa Russia.

Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur

Screenshot of Stanislav Netesov's hairstyle

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill

Sinuman ang makitaan na may taglay ng mga nasabing kulay—bagay man o tao—ay kailangang takpan o alisin.

Kabilang sa mga apektadong items ang buhok, damit, mga simbolo, gusali at artworks.

Posible ring ang pag-atake kay Stanislav ay bunsod ng galit sa Ukraine ng mga umatake sa kanya dahil sa kulay ng kanyang buhok.

Bukod naman sa puwersahang pag-e-enlist sa kanya sa Russian Army, posibleng makasuhan si Stanislav at pagbayarin ng multang PHP31,087.29 at makulong sa loob ng limang taon.

Read: Meet Leonardo Muylaert: The Brazilian Superman

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inatake si Stanislav Netesov ng hindi nakilalang grupo at nagsumbong siya sa mga pulis. Pero sa halip na pakinggan ang kanyang salaysay, inaresto siya ng mga pulis dahil sa kulay ng kanyang buhok.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results