Paolo Ballesteros and non-showbiz boyfriend back together?

by Arniel C. Serato
Mar 11, 2019
Kenneth Gabriel Concepcion posts a new photo with actor-TV host Paolo Ballesteros. Are they back together?
PHOTO/S: Courtesy: @i_lovegab / @pochoy_29 on Instagram

Marami ang kinilig sa mga sumusubaybay ng love story ni Paolo Ballesteros at non-showbiz boyfriend nitong si Kenneth Gabriel Concepcion dahil mukhang nagkabalikan na ang dalawa.

Martes ng gabi, March 10, nag-post si Kenneth sa Instagram at Facebook ng larawan nilang dalawa ng Eat Bulaga! host.

Ang caption lamang ni Kenneth, na isang registered nurse, ay: “Kagat labi.”

Continue reading below ↓

Sa Instagram, hindi naka-tag sa kanyang post si Paolo, ngunit naka-tag ang actor-TV host sa kanyang post sa Facebook.

Ni-like naman ito ni Paolo.

Puro kilig comments naman ang reaksiyon ng mga kaibigan at tagahanga ng dalawa.

Indikasyon nga kaya itong nagkabalikan na sila?

Continue reading below ↓

Matatandaang nitong nakaraang buwan ng Pebrero, umugong ang hiwalayan ng dalawa nang hindi na sila nakitang magkasama at wala na ring post tungkol sa isa’t isa.

Kalaunan, kinumpirma ni Paolo noong February 14 na hiwalay na nga sila ni Kenneth, ngunit umaasa siyang magkakabalikan sila.

Noong Enero 2019 inamin ni Paolo ang relasyon nila ni Kenneth na may dalawang buwan pa lamang ang itinagal.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kenneth Gabriel Concepcion posts a new photo with actor-TV host Paolo Ballesteros. Are they back together?
PHOTO/S: Courtesy: @i_lovegab / @pochoy_29 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results