Gretchen Barretto defends Kier Legaspi; takes a swipe at sister Marjorie

by Arniel C. Serato
Mar 21, 2019
Gretchen Barretto defends Kier Legaspi over Dani Barretto's statement that she was raised only by her mother, Marjorie Barretto: "Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani is yung hindi siya mayaman. Hindi siya mayor ng Caloocan... na wala siyang limpak-limpak na pera."
PHOTO/S: Instagram

Ipinagtanggol ni Gretchen Barretto ang aktor na si Kier Legaspi kaugnay ng mga naging pahayag ng pamangkin ng aktres na si Dani Barretto.

Si Kier ang biological father ni Dani, na panganay na anak ng kapatid ni Gretchen na si Marjorie Baretto.

Pareho pang bata noon sina Kier at Marjorie nang mabuntis ang huli. Si Dani ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

Sa kanyang YouTube video noong March 16, sinabi ni Dani na hindi sila on good terms ng amang si Kier at tanging ang inang si Marjorie ang nagpalaki sa kanya.

Sabi pa ni Dani tungkol kay Kier: "To be honest, my dad and I never really had a solid relationship.

“All I know is he’s my dad, and that’s it.

“We had a brief relationship, which was, like, two months, and it was nice.

“I’m not gonna say naman na parang I didn’t love him and I’m not gonna say I don’t love him.

Continue reading below ↓

“I guess when you’re apart for so long and you already grew up and nasanay ka na wala na yung tao sa life mo, you just feel, like, not naman that you don’t need the person… but it’s more like you’re okay without them.”

Inalmahan ni Gretchen ang pahayag na ito ni Dani.

Pahayag ni Gretchen sa kanyang Instagram Live nitong Huwebes ng madaling-araw, March 21, “Kier Legaspi was not a wealthy father.

"Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani is yung hindi siya mayaman.

“Hindi siya mayor ng Caloocan, ng ganun, di ba, na wala siyang limpak-limpak na pera.

“Yun lang ang kasalanan ni Kier.”

Ang tinutukoy ni Gretchen na "mayor ng Caloocan" ay si dating Caloocan Mayor Recom Echeverri.

Matagal nang nauugnay si Marjorie kay Echeverri ngunit hanggang ngayon ay wala pang direktang pag-amin o kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo.

Dagdag ni Gretchen tungkol kay Kier, “So, yun lang ang kasalanan, but he always tried.

Continue reading below ↓

"Kier Legaspi always tried to be a part of Dani’s life.

“But the mom of Dani just did not allow it because in the beginning… too much information.

"That’s it, I stop there," pagpipigil niya sa sarili.

Pahabol pa ni Gretchen, “You know, I love Dani, and uminit ang dibdib ko honestly as somebody who took care of her and I really, really wish that she could have a little gratitude in her heart.”

FAMILY FEUD

Taong 2015, eksklusibong ikinuwento ni Gretchen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mayroon silang "silent war" ni Marjorie.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang malalim na hidwaan sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto.

Sa Instagram Live kanina ni Gretchen kasama ang bunsong kapatid na si Claudine Barretto, natanong ang dalawa ng kanilang mga kaibigan tungkol sa relasyon nila sa kanilang mga magulang.

Ayon kay Claudine, “Okay. Okay kami.”

Continue reading below ↓

Pagpapakatotoo naman ni Gretchen tungkol sa magulang, “I’m not okay and I must stop there.”

Anim na taon na ang nakalilipas nang unang malaman ng publiko na may lamat ang relasyon ni Gretchen sa kanyang mga magulang dahil sa pagkampi nito kay Raymart Santiago, ang estranged husband ni Claudine.

Sabi pa ni Gretchen noong 2013 sa kanyang ina: “To my abuser, my mother, know that I am a person, not a creature at your whim.

"You can use religion and cultural norms to deflect from the fact that you are abusive.

"But I stand before you, unafraid, ready and able to stop your abusive ways.

"You have succeeded in breaking me over and over again because I am your child and you know me well.

"But I know you as well, and I know that the truth terrifies you, and I hold the truth. Stop the abuse. Stop it now."

Continue reading below ↓

Gaya ng kanyang mga magulang ay nakaalitan din noon ni Gretchen si Claudine.

Kamakailan lamang sila nagkaayos.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng sinumang nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto defends Kier Legaspi over Dani Barretto's statement that she was raised only by her mother, Marjorie Barretto: "Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani is yung hindi siya mayaman. Hindi siya mayor ng Caloocan... na wala siyang limpak-limpak na pera."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results