Kris Aquino withdraws qualified theft complaint vs Nicko Falcis in Mandaluyong

by Rachelle Siazon
Apr 11, 2019
The Office of The Prosecutor in Mandaluyong City releases resolution stating that Kris Aquino's qualified theft complaint versus Nicko Falcis was "withdrawn."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / @nix722 Instagram

#KrisAquinovsNickoFalcis

Inatras ni Kris Aquino ang reklamong qualified theft na isinampa niya laban kay Nicko Falcis sa Office of the Prosecutor ng Mandaluyong City.

Si Nicko ang dating endorsement closer/talent agent/project director ng digital company ni Kris na Kris Cojuangco Aquino Productions o KCAP.

Ngayong Huwebes ng hapon, April 11, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng resolution na pirmado ni Lourdes Javelosa Indunan, senior assistant city prosecutor ng Mandaluyong.

May petsa itong March 25, 2019.

Nakasaad dito na noong March 23, 2019 umapela ang kampo ni Kris na bawiin ang reklamong qualified theft laban kay Nicko.

"As prayed for, in view of the Motion to 'Withdraw Complaint' dated 23 March 2019 filed by complainant, the above-entitled complaint is deemed withdrawn."

Liban dito ay walang ibang nakasaad na dahilan kung bakit inatras ni Kris ang reklamo.

Narito ang kopya ng resolution:

Continue reading below ↓

DISMISSED QUALIFIED THEFT COMPLAINTS

Noong October 12, 2018, isinampa ni Kris ang reklamong qualified theft laban kay Nicko sa Office of the Prosecutor sa pitong siyudad sa Metro Manila—kabilang ang Mandaluyong, Makati, Taguig, Quezon City, Manila, Pasig, at San Juan.

Ito ay dahil sa diumano'y paggasta ni Nicko ng PHP1.2M gamit ang KCAP credit card nang hindi nagpapaalam kay Kris.

Noong February 15, 2019, ibinasura ng Pasig Prosecutor's Office ang qualified theft complaint laban kay Nicko dahil sa "insufficiency of evidence."

Noong February 18, 2019, ibinasura rin ng Makati Prosecutor's Office ang parehong reklamo dahil sa "lack of probable cause."

March 13, 2019, naiulat na ibinasura ng Taguig Prosecutor's Office ang qualified theft complaint na isinampa ni Kris laban kay Nicko.

ALLEGED ESTAFA AND CREDIT CARD FRAUD

Sa halip ay sinampahan ng Taguig prosecutor ng kasong estafa at credit card fraud si Nicko.

Inalmahan ito ni Nicko dahil hindi man lang daw inalam ng Taguig prosecutor kung saan ginasta ang halagang "P62,784.32," na sinasabing ginasta niya gamit ang KCAP credit card nang walang pahintulot ni Kris.

Continue reading below ↓

Giit noon ng kampo ni Nicko, ang halagang iyon ay ibinayad sa kinainang restaurants sa Taguig kasama ang ilang staff ng KCAP.

Sa kasalukuyan, wala pang lumalabas na resolution mula sa Office of the Prosecutor sa Manila, Quezon City, at San Juan para sa reklamong qualified theft na isinampa roon ni Kris laban kay Nicko.

Nagsampa naman si Nicko ng reklamong grave threat laban kay Kris noong January 2018.

May kinalaman ito sa pananakot ni Kris kay Nicko noong nagkausap sila sa telepono noong September 27, 2018.

LEGAL IMPLICATION

Ano ang legal implication ng pag-atras ni Kris ng reklamo?

Ibig kayang sabihin nito ay pati and mga kaparehong reklamong qualified theft sa Office of the Prosecutor ng San Juan, Manila, at Quezon City ay iaatras na rin?

O hindi kaya prelude ito para sa posibleng pagsampa ni Kris ng panibagong reklamo sa Mandaluyong Prosecutor's Office?

O magpopokus na lang ito sa kasong estafa at credit card charge na kinahaharap ni Nicko sa korte sa Taguig City?

Continue reading below ↓

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ng pahayag ang legal counsel ni Kris na si Atty. Ricardo dela Cruz ng Divina Law.

Ilalathala ng PEP.ph ang pahayag nito sa oras na matanggap namin ito.

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, Nicko Falcis
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Office of The Prosecutor in Mandaluyong City releases resolution stating that Kris Aquino's qualified theft complaint versus Nicko Falcis was "withdrawn."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / @nix722 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results