UPDATED: Isko Moreno, Vico Sotto win mayoral race in Manila, Pasig

by Erwin Santiago
May 14, 2019
Isko Moreno (left) wins vs Joseph Estrada, Alfredo Lim in Manila; Vico Sotto (right) set to end Eusebios' reign in Pasig
PHOTO/S: Jerry Olea

Mga bagong dugo ang maluluklok sa puwesto sa ilang pangunahing lungsod sa Metro Manila.

Kabilang na rito ang dating aktor na si Isko Moreno, 44, at ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto, 29.

Isang malaking sorpresa nitong katatapos lamang na May 13 elections ang pagkapanalo ng ilang batang pulitiko na naging hudyat ng pagtatapos ng ilang political dynasties at pagkatalo ng mga beterano sa pulitika.

Sa lungsod ng Manila, iprinoklama na ngayong Martes ng hapon, May 14, si Isko Moreno bilang bagong mayor.

Malaki ang kalamangan niya sa incumbent mayor na si Joseph Estrada, 82, at dating mayor na si Alfredo Lim, 89.

Si Isko ay naging vice mayor pareho nina Lim (2007-2013) at Estrada (2013-2016).

Noong 2016 ay tumakbong senador si Isko ngunit hindi siya pinalad.

Ngayong 2019 mid-term elections ay nagdesisyon siyang banggain ang mga dati niyang kaalyado, at nagtagumpay siyang talunin ang mga ito.

Continue reading below ↓

PASIG: FROM EUSEBIO TO SOTTO

Pagkatapos ng 27 taon, matatapos na ang liderato ng mga Eusebio sa lungsod ng Pasig.

Iprinoklama na ngayong Martes ng hapon, May 14, si Vico Sotto bilang bagong mayor ng Pasig.

Tinalo ng baguhang pulitiko ang incumbent mayor na si Robert "Bobby" Eusebio, anak ng dating mayor ng Pasig na sina Vicente "Enteng" Eusebio at Soledad Eusebio.

Maging ang asawa ni Bobby na si Maribel Eusebio ay nahalal din noon bilang mayor.

Hindi maikakailang malaki ang naitulong ng apelyidong Sotto—na kilala sa larangan ng showbiz at pulitika—sa panalo ng binatang si Vico ngayong eleksyon.

Bago siya tumakbong alkalde, naging number one councilor si Vico sa District 1 ng Pasig City noong 2016.

SAN JUAN: ZAMORA ENDS ESTRADA-EJERCITO'S HOLD

Samantala, winakasan din ni Francis Zamora ang paghahari ng mga Estrada-Ejercito sa lungsod ng San Juan pagkatapos ng halos limang dekada.

Tinalo ni Francis si Janella Estrada, anak ni dating Senator Jinggoy Estrada at apo ni Manila mayor at dating Pangulong Joseph Estrada.

Continue reading below ↓

Dating magkaalyado ang mga Zamora at Estrada, ngunit nitong mga nakaraang eleksiyon ay naghiwalay sila ng landas.

MAKATI: ABBY BEATS BROTHER JUNJUN

Sa lungsod naman ng Makati, nanaig ang incumbent mayor na si Abby Binay laban sa kanyang kapatid na si Junjun Binay.

Naging mainit ang labanan ng magkapatid para sa mayoral race, na umabot pa sa harap-harapang pag-aaway nila sa isang debate na ginanap sa loob ng isang simbahan.

Ngunit sa huli, hawak pa rin ng mga Binay ang kapangyarihan sa Makati City.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno (left) wins vs Joseph Estrada, Alfredo Lim in Manila; Vico Sotto (right) set to end Eusebios' reign in Pasig
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results