Chie Filomeno quashes kept woman rumor

by Arniel C. Serato
May 16, 2019
GT member Chie Filomeno on her bashers: "Bata pa lang ako, nabu-bully na ako. Siguro I do, I cry, like countless of times. Siguro, naubos na lang siya, parang iniitindi ko na lang yung mga taong iniisip yun. Na jina-judge ako, ang lungkot ng buhay nila kasi gagawa sila ng issue para lang to bring someone down na nasa taas para lang masira sila, ibi-bring down nila.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Pinagtatawanan lamang ni GT (former GirlTrends) member Chie Filomeno ang hindi pa rin mamatay-matay na isyung “kept woman” siya ng isang dirty old man (DOM).

Pahayag ng 22-year-old singer-dancer, “That’s funny 'coz… I felt sad for them, not for me, 'coz I know myself.

“May parents know me, my friends know me.”

Napabalitang kinumpronta ni Chie ang dating kasamahan sa grupo na diumano'y nagpakalat ng masasamang balita sa kanya.

Pero pinabulaanan ito ni Chie sa pakikipagsagutan niya sa ilang bashers sa Instagram.

Itinanggi ni Chie na mayroon siyang DOM.

Natatawa niyang sabi, “Wala!

"Ang sad lang na yun ang iniisip ng tao na porke't meron kang ganito, meron kang ganyan, hindi mo nakuha nang pahirapan, na hindi mo siya nakuha ng sariling sikap mo.

“Nakuha mo siya nang ganito, madumi, madalian."

Diin ni Chie, “You can’t get everything that you have now nang madalian.

Continue reading below ↓

“You can’t snap your fingers like that.

“Pinaghirapan ko. And I’ve been in show business for eight years.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chie sa relaunch ng bagong bihis na GirlTrends, na tatawagin nang GT ngayon.

Ang GT ay ang all-female group na napapanood sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Kasabay naman nito ay pinasinayaan na rin nila ang kanilang bagong single na “Breakthrough.”

SINGLED OUT?

Iniyakan ba ni Chie ang ganitong klaseng mga intriga?

Tugon niya, “Bata pa lang ako, nabu-bully na ako.

“Siguro I do, I cry, like, countless of times.

“Siguro naubos na lang siya, parang iniintindi ko na lang yung mga taong iniisip yun, na dyina-judge ako.

"Ang lungkot ng buhay nila kasi gagawa sila ng issue para lang to bring someone down na nasa taas para lang masira sila, ibi-bring down nila.”

Continue reading below ↓

Lalo raw tumibay si Chie dahil sa mga intrigang ipinupukol sa kanya.

Saad niya, “Yeah, I felt it, pero kasi it made me stronger, kasi alam kong hindi lang ako yung nasa battle na ito, e.

“I have my family, I have my friends, alam nila kung sino ako, alam ko sa sarili ko kung sino ako.”

Naaapektuhan ba siya sa mga isyu?

Sagot ni Chie, “Hindi, e, alam ng tao 'yan, e.

“Like, alam nila kung totoong tao ka.

"Tayo nakakaalam nun. So, hindi siya nakaapekto.”

Sa dating 22 miyembro ng GirlTrends, hanggang ngayong pito na lang sila sa GT, parang si Chie ang may pinakamaraming isyu.

Sa tingin ba niya ay sini-single out siya?

Nakangiting tugon ni Chie, “Siguro, kasi I got my class from my mom, my aura from my mom and my dad, strong personality.

“Siguro, nagta-transcend talaga siya sa social media din.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GT member Chie Filomeno on her bashers: "Bata pa lang ako, nabu-bully na ako. Siguro I do, I cry, like countless of times. Siguro, naubos na lang siya, parang iniitindi ko na lang yung mga taong iniisip yun. Na jina-judge ako, ang lungkot ng buhay nila kasi gagawa sila ng issue para lang to bring someone down na nasa taas para lang masira sila, ibi-bring down nila.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results