Loisa Andalio ready for mature, challenging roles

by Arniel C. Serato
May 21, 2019
Loisa Andalio at 20: "At this age, I’m only interested in consistency, stability, respect and loyalty."
PHOTO/S: Courtesy: @iamandalioloisa on Instagram

Balik na sa dating sigla ang Kapamilya young star na si Loisa Andalio matapos niyang masangkot sa isang hindi magandang intriga nitong nakaraang Marso.

Naging trending topic sa Twitter ang pangalan ng dating Pinoy Big Brother All In housemate dahil sa diumano’y isang maeskandalong video nito.

Ngunit walang makapagsabi kung authentic ba ito o kamukha lamang ni Loisa ang nasa video.

Wala rin direktang pagtanggi o pag-amin mula sa dalaga tungkol dito.

Sa ulat naman ng Umagang Kay Ganda (UKG) ng ABS-CBN kahapon, May 20, sinabi ni Loisa na handa na siya sa mature at mas madramang roles.

Sa tingin daw ni Loisa, ngayong 20 years old na siya, maaari na siyang sumabak sa mas challenging roles.

Kailangan din daw niyang mag-level up sa kanyang acting skills upang magkaroon ng growth ang karera niya.

BIRTHDAY GIRL

Bilang bahagi naman ng selebrasyon ng kanyang ika-20 kaarawan, naghandog si Loisa ng isang solo concert noong May 10 sa Music Museum—ang Loisa, Sasamahan Kita: A Birthday Celebration.

Continue reading below ↓

Sa nasabing concert, nagpakita ng suporta kay Loisa ang kanyang mga tagahanga, kapwa-artista, ang kanyang mga magulang, at ang boyfriend na si Ronnie Alonte.

Continue reading below ↓

Sa isang post niya sa Instagram, sinabi ni Loisa, “At this age, I’m only interested in consistency, stability, respect and loyalty.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio at 20: "At this age, I’m only interested in consistency, stability, respect and loyalty."
PHOTO/S: Courtesy: @iamandalioloisa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results