GMA-7 newscaster Raffy Tima posts shoutout for ABS-CBN colleagues

by Arniel C. Serato
May 25, 2019
Kapuso reporter/newscaster Raffy Tima posts heartfelt message to his Kapamilya friends: "Saludo at pagpupugay sa mga kaibigan kong Kapamilya. While we see you as competition, out in the field, we are one. Pagbati sa inyong anibersaryo at sa marami pang taon nang paglilingkod para sa bayan.”
PHOTO/S: Courtesy: Raffy Tima / ABS-CBN News on Facebook

Sa June 2019 ipagdiriwang ng ABS-CBN ang kanilang ika-65 anibersaryo sa larangan ng broadcasting.

Ang ABS-CBN ang tinaguriang pinakamalaking television network sa bansa dahil sa malawak nitong broadcasting capability pagdating sa telebisyon, radyo, pelikula, online, cable.

Ngunit pagdating sa ratings ay patuloy itong nakikipag-agawan sa number one spot kasama ang pinakamahigpit nitong kakumpetensiya, ang GMA-7.

Ganunpaman, sa kabila ng binansagang "network wars," ang mga talents, field reporters, at iba pang mga empleyado ng magkaribal na networks ay nananatiling magkakaibigan at magkakampi—patunay na nangingibabaw ang kanilang pagkatao kesa sa kani-kanilang network affiliations.

Isa sa mga nagpatunay nito ay ang Kapuso field reporter at newscaster na si Raffy Tima.

Lahad niya sa kanyang Facebook post ngayong Sabado, May 25, “Saludo at pagpupugay sa mga kaibigan kong Kapamilya.

“While we see you as competition, out in the field, we are one.

“Pagbati sa inyong anibersaryo at sa marami pang taon nang paglilingkod para sa bayan.”

Continue reading below ↓

Ang suporta kayang ito ni Raffy ay may kaugnayan sa kinakaharap na kontrobersiya ngayon ng ABS-CBN dahil sa post ng singer at Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc tungkol sa isang "giant network" na baka raw magsasara na?

Bahagi pa ng post ni Jimmy sa Facebook noong May 22, “I am so excited to see the biggest tv network close down.”

Continue reading below ↓

“I AM EAGERLY AWAITING YOUR DEMISE.

"I know how this sounds. And I know the nasty comments which are bound to come. I don't care."

Hindi pinangalanan ni Jimmy kung anong istasyon ang kanyang pinariringgan.

Ngunit pinalagan naman ang post ni Jimmy ni Angel Locsin.

Naging maingay ang sagutan ng dalawa sa social media.

Pati ang ilang Kapamilya personalities katulad nina Sunshine Cruz, Angeline Quinto, Deo Edrinal, at ilan pa ay tinuligsa ang nasabing post ni Jimmy.

Noong umingay ang post ni Jimmy, sunud-sunod na din ang posts of support ng mga talents at artista ng Kapamilya Network.

Nitong tanghali lamang, ang It’s Showtime director naman na si Bobet Vidanes ang naghayag ng kanyang suporta sa istasyon.

Ayon pa sa kanya sa live episode ng show kanina, "65 taon na pong nagseserbisyo ang ABS-CBN.

"ABS-CBN di bale, kahit na magwalis na tayo at magsasaka na lang tayo, sama-sama pa rin tayo."

Continue reading below ↓

Nalalagay sa alanganin ang franchise renewal ng ABS-CBN sa susunod na taon dahil hayagang nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ito.

Nagantso daw kasi siya ng istasyon dahil hindi nito in-ere ang kanyang political ad noong 2016 presidential elections gayong bayad na ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso reporter/newscaster Raffy Tima posts heartfelt message to his Kapamilya friends: "Saludo at pagpupugay sa mga kaibigan kong Kapamilya. While we see you as competition, out in the field, we are one. Pagbati sa inyong anibersaryo at sa marami pang taon nang paglilingkod para sa bayan.”
PHOTO/S: Courtesy: Raffy Tima / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results