Romnick Sarmenta finally speaks up about separation from Harlene Bautista

by Rey Pumaloy
Jun 7, 2019
Romnick Sarmenta on separation from wife Harlene Bautista: "It’s just something that has happened along the way and, you know, I guess we woke up realizing na eto na yun."
PHOTO/S: Jerry Olea

Tumangging magbigay ng pahayag si Romnick Sarmenta tungkol sa love life ng estranged wife niyang si Harlene Bautista.

Nauugnay ngayon si Harlene kasamahan nila ni Romnick sa defunct youth-oriented variety show na That’s Entertainment, si Neil Eugenio.

Paliwanag ni Romnick, “I really cannot say anything about it because no matter you say naman, people are going to twist it.

“And nothing new, the people will react and comment, they’re just going to say, ‘Ah, ganyan.’

“I choose not to.

“The most important thing is she’s happy.

“And if she’s happy, I’m good, perfectly good.”

Dagdag ng aktor, “The last thing I don’t want my kid to see is meron isang hindi masaya.

“Dapat makita nila na pareho kaming okey para masabi nila na, ‘Ah, wala naman palang nagbago, okey naman pala, masaya siya, masaya siya. Masaya kami.’”

Continue reading below ↓

Pero bilang ama, sinabi ni Romnick na dapat ay maayos ang pakikitungo ng boyfriend ni Harlene sa mga anak nila ng nakahiwalayang asawa.

Nakangiting saad pa ng aktor, “Dapat, dapat... Dapat maayos ang pakikitungo sa mga anak ko.

“I don’t even think it’s a negotiable thing. Automatic yun na dapat maayos ka sa mga bata.

“Pag hindi, ibang usapan na yun.”

Binigyang diin din ni Romnick na walang gulo at walang third party sa hiwalayan nila ni Harlene.

“Wala naman dapat,” sambit niya.

“I think it’s safe to say na, unang-una… nakakatawa nga, may isa akong kaibigan na lumapit sa akin at sinabing, ‘Nahuli ka ba?’

“MMDA nahuli ako, color-coding. Pero yung iniisip mo, hindi. Wala akong ganun.

“So, wala naman talagang third party, wala naman talagang ibang gritty na dahilan kung bakit kami nagkahiwalay.

Continue reading below ↓

“It’s just something that has happened along the way and, you know, I guess we woke up realizing na eto na yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Romnick sa mediacon ng horror film na Clarita, na ginanap sa Victorino’s restaurant, Jamboree St, Quezon City, noong June 2.

Bida sa pelikula si Jodi Sta. Maria at mula ito sa direksiyon ni Derick Cabrido.

Kabilang din sa cast sina Ricky Davao, Arron Villaflor, at Alyssa Muhlach.

WHO WAS THE FIRST TO HAVE A NEW RELATIONSHIP?

Mabilis namang kinontra ni Romnick ang nasambit na biro ni Harlene sa isang interview na naunang nagkaroon ng bagong love life ang aktor kaysa kanya.

“Hindi, a, nauna siya!” bulalas ng 47-year-old actor.

Kung may love life si Harlene, may mga idini-date naman daw si Romnick.

Saad niya, “I go out with different people. Siyempre, nagtingin-tingin din ako.

Continue reading below ↓

“Ang ayaw ko sa lahat yung may ipakikilala ako sa mga anak ko na pagkatapos ng ilang buwan, may iba ka namang ipapakilala… may mali doon, e.

“I just wanna make sure that whoever I introduce to my kids, maayos na yun.”

Inamin ni Romnick na may isang natatangi sa mga idini-date nya.

Nakangiti niyang sabi, “Meron naman akong… for lack of a better word, kinikilala nang husto, para maayos.

“She’s a little younger than me... little lang, hindi sobra.”

Nagbiro si Romnick at sinabing 19-year-old ang tinutukoy niyang babae, pero mabilis niya itong binawi kasunod ng paliwanag kung bakit ayaw niya ng mga mas bata ng maraming taon sa kanya.

Aniya, “Nakakahiya yun. Ang panganay ko, bente-uno, parang mali.

“Hindi. Biro lang yun.

“Pag umabot na ng 10 years younger than me, medyo natatakot na ako. ‘Kalokohan ba ‘tong ginagawa ko?’”

Continue reading below ↓

STATUS: SINGLE

Ibinahagi rin ni Romnick ang nararamdamang hirap sa adjustment ng “single status” niya sa kasalukuyan.

Aniya, “Oo, sobra. I think it’s because we were married for almost 20 years, e.

“And it’s really more of… I’m not trying to play this in anyways, ha? Yun bang sanay ka na gabi-gabi katabi ko ang mga anak ko sa pagtulog.

“So, nung nag-separate kami at humiwalay ako ng bahay, yun yung number one na medyo pagtingin mo sa kabila, ‘Anak ng tipaklong, anong ginagawa ko dito? Bakit wala akong katabing bata?’

“There are times na it gets you. It always gets you.

“Kasi sanay na ako talaga sa mga anak ko. It gets you.”

Paliwanag pa ni Romnick sa kanyang sitwasyon, “You have to be very positive with it.

“At the end of the day, palagi ko pa ring sinasabi, siyempre may mga nagtatanong, yung mga newlywed couple, ‘Mahirap ba, ganyan ba?’

Continue reading below ↓

“Hindi, I’d still say that getting married was still the best [thing] that ever happened to me.

“I have five beautiful children that I would never get kung hindi ako nagpakasal, di ba?”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Romnick Sarmenta on separation from wife Harlene Bautista: "It’s just something that has happened along the way and, you know, I guess we woke up realizing na eto na yun."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results