Derek Ramsay opens up about breakup with Joanne Villablanca

by Gorgy Rula
Jun 8, 2019
Derek Ramsay on split with Joanne Villablanca: "It’s not the relationship that is growing like it’s supposed to be. Kapag ganun na, it’s time to let go."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Hindi madali. Masakit para kay Derek Ramsay ang pinagdadaanan niya ngayong natapos na ang limang taong relasyon nila ni Joanne Villablanca.

Kinumpirma nina Derek at Joanne ang breakup nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, June 6.

Marami raw mami-miss si Derek. Marami siyang hahanapin.

Pero kailangan daw niyang tanggaping ganun talaga ang buhay.

Marami siyang napagtanto at natutunan sa relasyong ito.

“So for now, we’re giving each other space and, in time, I’m sure Jo and I will be able to be real friends once again.

“Kasi ganun naman talaga kami nagsama, e, and there were so many great times, and Jo is a fantastic woman.

“It’s sad kasi napalapit na rin ako sa anak niya. I treated her daughter like she was one of my own.

“But for her to grow and for me to grow, I think it was best that we made this decision na we go separate ways,” malungkot na pahayag ni Derek nang nakapanayam ito sa showbiz program ng DZRH na Showbiz Tallk Ganern nitong Biyernes, June 7.

Continue reading below ↓

Dagdag niyang pahayag, “You know, during this time of separation, I’ve taken time to reflect towards myself. Tingnan ko ang mga pagkukulang ko as partner.

“You know, it’s not all one-sided here. Both have faults.

“And just because you have faults, it doesn’t necessarily mean they’re wrong.

"It’s just maybe hindi talaga kayo meant sa isa’t isa."

DESIGNED TO LOVE

Mabuti raw at nandiyan ang mga kaibigan at pamilya na natatakbuhan at nakakausap ni Derek.

Saad ng Kapuso actor, “I reflected. I called up my… konti lang naman talaga ang mga tunay kong mga kaibigan na puwede ko talagang makausap.

“And, of course, family. Just to reflect on who I am and reminder of my friends of what they think of me and get the strength to move forward.”

Bahagi na rin siguro ng pagmu-move, alam ni Derek na darating ang araw na mai-in love siya uli.

“There’s no time to waste. Matured na tayo. Matanda na tayo.

Continue reading below ↓

“Masakit. Pero lahat tayo… we’re all designed to love.

“I know I’ll love again. It will just take time.

“I’m praying with my friends and family na to find a right girl for me.”

Paglilinaw ng aktor, “Sinasabi ko yung right girl without insulting Joanne.

“She’s a beautiful brilliant woman. It’s just… I guess our lives are not meant to be together.

“Joanne is a great girl inside and out.

“She’s doing really, really well now with her work. She has direction in her life now.

“Siguro I’m kinda proud to say na I was able to help her with that, and vice versa.

“She was able to help me in keeping motivated to work with other things that I’m doing.

"But maybe it’s time for her to focus on herself, on her career and her daughter."

FIVE-YEAR CURSE IN RELATIONSHIP?

Binibiro na lang ni Derek ang sarili na baka raw may "five-year curse" siya sa pakikipagrelasyon.

Continue reading below ↓

Ang pinakamahaba raw niyang relasyon ay kay Angelica Panganiban na umabot ng anim na taon.

Sila ni Joanne ay naka-five years, malapit na sanang mag-six years.

Saad ni Derek, “Ewan ko nga ba… ewan ko kung my five-year curse ako, pero lahat yata umaabot ng five years, e.

“Pero yung five years is no joke. It’s a big chunk of my life.

“I learned many things in this relationship. I learned many things in the five years together.

“But all these things that I’ve learned will just help me in my future when I do find that person that I’m going to be with.

“Marami akong pagkukulang. Pareho kami.

“But, hindi kami nagbastusan sa isa’t isa. Hindi kami nanakit sa isa’t isa.

“It’s just… it’s not the relationship that is growing like it’s supposed to be.

“Kapag ganun na, it’s time to let go.”

THE HOUSE THAT DEREK BUILT

Ang isa pang ibinahagi ni Derek sa panayam niya kagabi ay mayron pala siyang ipinatayong bahay na dapat ay titirhan nila ni Joanne kapag kasal na sila.

Continue reading below ↓

Nung sila pa ni Angelica, mayroon din siyang ipinatayong bahay sa Taguig para roon sila manirahan ng aktres kung nagpakasal sila.

Ibinenta na raw ni Derek iyon.

Ngayon ay nakatira ang aktor sa Alabang, kung saan sila nag-live in noon ni Joanne kasama ang anak nito.

Pinag-iisipan daw ni Derek na ibenta na lang ang ipinapatayo nitong bahay dahil masyado raw itong malaki para sa kanya.

Hindi pa raw niya naiisip ibenta ang bahay niya sa Alabang dahil marami siyang magagandang alaala rito.

Lahad ni Derek, “Mahirap yung pag umuwi ka, hindi mo na sila nakikita sa bahay. Yung mga nakasanayan mo na.

“Nandiyan yung kukulitin mo, aasarin mo hanggang mapikon. Little things like that.

“You know, I have great memories to cherish.

"Hindi ko makakalimutan yung lahat na mga experiences namin na nagsama kaming tatlo. Halos lahat nagawa na namin together.

“They’ll always be locked away in my heart and, again, I have to move forward and I pray na mahanap ko yung perfect woman to my life.

Continue reading below ↓

“Ganun talaga ang buhay, di ba? May ups and downs.

“Ang importante, she got back on her feet and keep moving forward, and yun ang gagawin ko.”

MOVING FORWARD

Patuloy ni Derek, “I’ve been blessed with my new career sa GMA.

“I have a great show coming out, sa July.

“I have things to look forward to, even though may setback with my personal life.

“Perhaps to be professional and I bring my 100 percent to work, still bring my 100 percent to being a father, and a good son to my parents. It’s not the end of the world.

“It’s really, really sad, it’s really hard.

“Alam ko, Jo and myself, we will both get free from this and one day talk about this and be normal.”

NOT THE MARRYING TYPE?

Sa kabila ng pinagdaanan ni Derek sa kanyang love life, nandiyan pa rin daw ang hangad niyang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.

Continue reading below ↓

Kaya kinokontra niya ang sinasabi ng iba na hindi siya yung marrying type.

Pahayag niya, “Na-exaggerate lang ‘yan, e.

“Na-magnify ‘yan during the days with Angelica na I’m not the marrying type kasi sinabi ko na my parents have been happily married for 40-plus years.

“It’s been taken out of context na ‘Derek is not the marrying type’ because of the role in my movies.

“I have the perfect marriage to follow.

“When I say perfect, may mga problema din ang parents ko, nag-aaway din sila. Pero they stuck through it.”

Diin ni Derek, “Ang inaano ko lang kasi, there’s divorce, there’s annulment, and all of these things.

“I don’t know what the statistics are, pero I’m sure it’s pretty high na ang mga nagpapakasal, naghihiwalay. Kasi they jumped into it.

“Ako, I don’t want to jump into it.

“Ako, gusto ko sigurado para I’ll be in a marriage like my parents.

Continue reading below ↓

“They didn’t jump into it. Ang tagal muna nilang nagsama bago sila nagpakasal.

“Iyon ang ano ko… at yung partner ko, kung yun lang talaga ang gusto niya at kung nakikita ko siya na makakasama ko habambuhay, magpapakasal ako.

“Gusto ko rin magpakasal, ‘no?”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on split with Joanne Villablanca: "It’s not the relationship that is growing like it’s supposed to be. Kapag ganun na, it’s time to let go."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results