Jelai Andres not open for reconciliation with Jon Gutierrez for now

by Rose Garcia
Jun 10, 2019
Jelai Andres prefers husband Jon Gutierrez to have a new girlfriend: "Mas gusto ko po yun na parang mas makakawala ako nang mabilis!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Kung noon ay desidido si Jelai Andres na makipaghiwalay sa asawang si Jon Gutierrez, Ex Battalion member, tila ngayon ay bukas na siyang makipag-usap at makipag-ayos.

Paliwanag ng social media star, “Yung mga time na yun, hindi ko siya binibigyan ng chance na makausap.

“Wala, talagang depressed na depressed ako nung time na yun,” pagtukoy ni Jelai sa unang panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan ibinahagi niya ang saloobin dahil sa pagtataksil sa kanya ni Jon.

Pero ngayon daw ay muli siyang sinusuyo ng ExB member.

Lahad ni Jelai, “May mga moments na nasa Sunday PinaSaya ako, sa GMA, inaabangan niya ako.

“Binibigyan niya ako ng flowers, teddy bear… everything.

“Binigyan ko siya ng chance na magpaliwanag.

“Hindi kami nagkaayos, pero narinig ko yung side niya.

“Sinabi naman niya na, ‘Naiintindihan kita. Na lalo pa lang kinukulit kita, lalong lumalala.’

Continue reading below ↓

“Yung mga flowers na pinadala niya, mga teddy bears, hindi ko kinukuha.

“Ngayon, nag-uusap kami nang maayos.

“May properties kaming pinag-uusapan, may aso kami. Yung mga importanteng bagay.”

Nakausap ng PEPph (Philippine Entertainment Portal) si Jelai sa mediacon ng pelikulang Feelenials noong Biyernes, June 7.

Bida sa pelikula sina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

TIME TO HEAL

Naiintindihan naman daw ni Jon na kailangan munang mag-heal ni Jelai.

Saad ni Jelai, “Sinabi ko sa kanya na kailangan ko munang mag-heal.

“Kasi, may moment na parang, ‘Sige, pakikinggan kita.’ Pero meron pa rin na, ‘Hindi, e, ano ‘to, ganito ‘to, e.’

“Pero sa ngayon, normal kaming nag-uusap.

“Hindi kami nagkikita, pero pinapansin ko lang siya kapag may importante.

“Pero siya, hindi pa rin siya tumitigil.”

Diretsahang tinanong ng PEP.ph si Jelai kung tanggapin ba niyang muli sa kanyang buhay ang mister.

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Sa ngayon po, sobrang gulo.

“Meron, pero biglang babalik na hindi talaga. Lalo na kapag naiisip ko.”

Ang pamilya ni Jelai ang isa sa pinakanasaktan sa nangyari sa kanya.

Ano ang payo ng mga ito sa kanya: makipaghiwalay o makipagbalikan?

Ayon kay Jelai, “Noong una, talagang hindi. Noong nakaraan, hindi namin napag-uusapan.

“Parang sa mga moment na ganun, medyo may moment na nagkakahiyaan pa.

“Parang, ‘Baka babalikan pa rin niya ang asawa niya, baka mapatawad pa.’

“But, alam nila, nakikita nila sa akin na, ‘Hindi, kaya niyang mag-isa, mas okay siya.”

Babalikan pa rin niya si Jon?

“Hindi ko po masabi, natatakot akong magkaroon ng kasalanan sa Diyos dahil nanumpa ako.

“Pero sa ngayon po, as of the moment, it’s a no,” sagot niya.

IS JELAI STILL IN LOVE WITH JON?

Magiging sinungaling daw si Jelai kung sasabihin niyang wala na siyang pagmamahal sa asawa.

Continue reading below ↓

“Sinungaling po ako kung sasabihin ko na hindi ko na siya mahal dahil asawa ko po siya, nangako po ako sa Diyos.

“But, ngayon po, hindi.

“Kaya ko pong mag-isa kahit na hindi ko siya makausap.

“Wala po akong ano kung ano ang ginagawa niya.

“Meron lang ano na… medyo maaawa ka.”

Mas gugustuhin pa raw niyang magkaroon na ng bagong pag-ibig si Jon.

“Mas gusto ko po yun na parang mas makakawala ako nang mabilis!” natawang sabi ni Jelai.

Dagdag niya, “At mas matutuwa po ako na meron na rin nag-aalaga sa kanya.

“Yun po ang part ko as a wife na napapaisip ako, ‘Ano kaya, kumain na kaya siya?’

“May ganun, e. Kahit na galit ako sa kanya.”

ANNULMENT

Sa huling pakikipag-usap ng PEP.ph kay Jelai, nabanggit nitong gusto niyang ipa-annul ang kasal nila ni Jon kahit noong 2018 lang sila nagpakasal.

Continue reading below ↓

Itutuloy pa rin ba niya ang kanyang plano?

“Meron pa rin po akong ganun and, in fact, meron na akong nakausap na attorney kung ano ang dapat gawin.

“Sa ngayon, naka-focus po kasi ako sa career dahil halos araw-araw ang trabaho ko.

“Pero, at the end of the day, hinihingi ko pa rin yung tamang desisyon para sa akin.

“Hinahayaan ko siya kung magkaroon na siya ng iba, tanggap ko na.”

Sa mga nangyayari ngayon, mas nakilala raw ni Jelai ang sarili at kaya rin daw pala niya mag-isa.

“Opo, maayos po ako,” pakli niya.

“Naisip ko na, ‘A, kaya ko palang bumalik sa dati.’

“Naisip ko po, ‘Hala, paano na ako?’ Para ka kasing baldado kapag na-brokenheart ka. Ang fresh pa.

“Pero para lang pong ganito ang ginawa ko sa buhay ko, sa sobrang depressed ko kagabi, parang gumising ako na fresh na ako ulit paggising ko.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Jelai, “Nabago rin po sa akin, natuto rin po ako na mag-isa. Na kaya ko rin pala.

“Yung family ko, nandiyan for me, yung sister ko, palaging nandiyan sa akin, sinasamahan ako.

“Yung parents ko, yung dad ko… yung moment na hindi ko ini-spend sa dad ko, sa mom ko, ngayon po, nagagawa ko.

“Naaawa rin po ako kasi alam ko, mas nasasaktan sila for me.”

AI-AI DELAS ALAS AND EX BATTALION

Sa June 19 na ipalalabas ang Feelennials, na produced ng Cignal at DSL ni Pops Fernandez.

Kasama ni Jelai sa pelikula si Ai-Ai delas Alas, na tumayong ninang sa kasal nina Jelai at Jon noong nakaraang taon.

Kamakailan ay kumalas na si Ai-Ai bilang manager ng Ex Battalion.

May sinabi ba sa kanya si Ai-Ai tungkol sa pagbibitiw nito bilang manager ng ExB at sa paghihiwalay nila ni Jon?

Saad ni Jelai, “Sa ngayon po, hindi pa po kami nagkakausap about dun sa nangyari sa kanila.

Continue reading below ↓

“But, ang last usap pa po namin, gusto po niyang ayusin as ninang.

“Siyempre marriage po, ‘tapos si Mama Ai po, maka-Diyos.

“Sinabihan niya ako noon na, ‘Ikinasal kayo, ganyan talaga, papagdaanan ng lahat ‘yan.’”

Inamin ni Jelai na nakadagdag sa awa niya sa asawa ang pagkalas ni Ai-Ai bilang manager ng Ex Battalion.

“Naawa po ako... naawa po ako,” sabi niya.

“Pero hindi ko po kasi siya kinakausap masyado. Kakausapin ko lang siya kung merong importante at magre-reply ako.

“Naawa po ako, pero parang nadagdag din po yun sa lesson. Lesson din po sa kanya.

“Kasi, nagdire-diretso ang problema niya. So, parang ‘eto na, kasama ‘to sa lesson.

“Ayoko pong sabihin na tama lang sa kanila yun, hindi po, nalungkot po ako.

“From sikat na sikat sila...

"So, siguro nga po, lesson sa kanila na may matutunan po sila, ganun din po sa akin.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jelai Andres prefers husband Jon Gutierrez to have a new girlfriend: "Mas gusto ko po yun na parang mas makakawala ako nang mabilis!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results