Are John Lloyd Cruz, Bea Alonzo working on a reunion project?

by Rachelle Siazon
Jun 14, 2019
Netizens show proof of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo shooting in El Nido, Palawan for a yet-to-be-confirmed project.
PHOTO/S: CTTO via @myhappy_pill Instagram

May niluluto bang reunion project ang perennial love team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo?

Sunud-sunod na naglabasan ang photos at videos kung saan nakunang nagsu-shooting sina John Lloyd at Bea sa El Nido.

Lumalabas na hindi lang basta chance encounter ang pagkikita nila roon dahil may kasama silang crew, base sa videos na ibinahagi ng ilang netizens na tiga-El Nido.

Sa isang video, magkaharap na nakaupo sina John Lloyd at Bea sa magkaternong mini chairs at table na kulay puti sa isang lugar na napapaligiran ng mga halaman.

May tatlong lalaking may dalang camera ang makikita sa background. Ang isa sa mga ito ay ang comedian-host-director na si Jun Sabayton, na nagbigay pa ng instructions sa ilang batang nakapaligid kina John Lloyd at Bea.

"Baby, para gusto mo makita dito ka. Kitang-kita ka dito, baby," sabi ni Jun sa isang batang paslit na nasa gawing kaliwa ni Bea.

Continue reading below ↓

Nakangiti si John Lloyd habang bina-blocking ang mga bata sa eksena, habang si Bea naman ay hinawakan ang paslit para pumuwesto malapit sa kanya.

MORE JOHN LLOYD AND BEA SIGHTINGS

Nakunan din ng litrato sina John Lloyd at Bea sa isang stage kung nasaan nakaupo ulit sila sa parehong white mini chairs.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin ding pareho silang nakayapak, at nakalagay lang sa tabi ang sandals ni Bea.

May nakalagay ring mic sa sahig sa bandang gitna nina Bea at John Lloyd.

]

Kuha raw iyon sa Barotuan Church, El Nido, Palawan.

Narito ang isa pang video kung saan tila lumilipat sila John Lloyd at Bea ng venue, at kasunod nila ang isang lalaking may bitbit ng mini white chairs.

Continue reading below ↓

Noong gabi ng Martes, June 11, unang kumalat sa social media ang litrato nina John Lloyd at Bea na namataan sa parehong simbahan.

Sa ngayon, hindi malinaw kung para saan ang sinu-shooting na mga eksena nina Bea at John Lloyd.

Walang update sa social media si Bea tungkol sa kanyang pagpunta sa El Nido, maliban sa pahiwatig niya sa kanyang Instagram post noong June 3 na papunta siya roon.

Continue reading below ↓

Pero napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang source na nagsyu-shooting nga roon sa El Nido sina John Lloyd at Bea.

Sa mga susunod na araw ay ilulunsad kung anuman ang proyektong iyon.

JOHN LLOYD AND BEA'S DATING HISTORY?

Bukod sa pagiging magka-love team sa ilang teleserye at pelikula, minsan na ring naugnay sina John Lloyd at Bea sa isa't isa.

Kahihiwalay lang nila noon sa kanilang respective partners—si John Lloyd sa girlfriend niyang si Angelica Panganiban at si Bea Alonzo sa boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

Naiulat na naging sweet daw ang dalawa mula nang gawin nila ang kanilang 2015 film na A Second Chance.

Pero sa panayam kay John Lloyd noong February 2016, nilinaw ng aktor na kaibigan lang niya si Bea.

Ganun din ang sinabi ng aktres sa kanyang panayam noong March 2016.

Ngayon, ang karelasyon ni Bea ay si Gerald Anderson.

Si John Lloyd naman ay piniling umalis ng showbiz tulad ng girlfriend niyang si Ellen Adarna. Mayroon silang anak na lalaki na mag-iisang taong gulang sa June 27.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens show proof of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo shooting in El Nido, Palawan for a yet-to-be-confirmed project.
PHOTO/S: CTTO via @myhappy_pill Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results