Vice Ganda admits having a "healthy-healthy" love life

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2019
Vice Ganda still mum on rumored relationship with Ion "Kuya Escort" Perez despite being spotted together shopping at a branded store and attending a birthday party.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / #ViceIon on Instagram

Tila hindi na iniiwasan ni Vice Ganda ang usapin tungkol sa kanyang love life kahit sa live broadcast.

Sa pagtatapos ng segment na "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime ngayong Lunes, June 17, biglang nabanggit ng Unkabogable Star na "healthy-healthy" ang kanyang love life.

Nabigkas niya ito matapos iabot ng isang It’s Showtime dancer ang resulta ng contest.

Sabi pa ni Vice sa dancer na si Neri Lopera, “Thank you, Neri.

“Ang ganda-ganda ng hair ni Neri, ang healthy-healthy.

“Parang love life ko.”

Agad kinantiyawan ng kanyang co-hosts si Vice dahil ito na raw mismo ang nagbuko tungkol sa love life niya.

Tugon lamang ni Vice, “Tse.”

Ang obvious na nali-link ngayon sa comedian-TV host ay si Ion “Kuya Escort” Perez.

Nabuo ang kanilang magandang samahan sa segment na "Miss Q & A" ng It's Showtime noong 2018.

Kahit halatang mayroon nang namamagitan sa dalawa, hindi pa rin umaamin sina Vice at Ion na opisyal na silang magkarelasyon.

Continue reading below ↓

SPOTTED SHOPPING

Kahapon, June 16, spotted naman sina Vice at Ion habang nagsa-shopping sa isang mamahaling boutique sa isang mall.

Ikinatuwa ito ng Vice-Ion fans dahil nagagawa na raw ng dalawa ang mga normal na gawain ng magkarelasyon.

Continue reading below ↓

Spotted din sila sa isang birthday party kung saan hawak-hawak pa ni Ion ang kamay ni Vice.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda still mum on rumored relationship with Ion "Kuya Escort" Perez despite being spotted together shopping at a branded store and attending a birthday party.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / #ViceIon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results