Donny Pangilinan, Kisses Delavin issue conflicting statements about breakup of their love team

by Rachelle Siazon
Jun 20, 2019
Donny Pangilinan on former loveteam partner Kisses Delavin: "But lets please respect her statement. I sincerely wish Kisses and her family the best."
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Donny Pangilinan na ikinagulat niya ang pag-anunsiyo ng dating leading lady na si Kisses Delavin na buwag na ang kanilang love team.

Kaugnay ito ng open letter na ibinahagi ni Kisses para sa fans ng tambalang DonKiss sa Twitter account ng young actress noong June 15.

Makalipas ang tatlong araw, noong June 18, medyo cryptic pa ang tweets ni Donny tungkol sa isyu.

Aniya patungkol sa feedback na natatanggap niya mula sa ibang netizens, "I’m trying my best. Ang hirap din minsan. Hindi po kami robot."

Sa kanyang Instagram Story kahapon, June 19, diretsahan nang sinabi ni Donny ang kanyang saloobin tungkol sa sinasabi ni Kisses na hidwaan ng kani-kanilang supporters dahil sa binuwag nilang love team.

"Regarding the statement, I'll be honest it was a surprise.

"To my understanding, the partnership was still under review because of different expectations, with no final decision yet."

Base sa taliwas nilang mga pahayag, hindi malinaw kung nagkakausap pa rin ba sina Donny at Kisses.

Continue reading below ↓

Pero giit ni Donny (published as is): "But lets please respect her statement. I sincerely wish Kisses and her family the best.

"Let's not fault find. Let's all support each other at this time.

"DonKiss, we will be forever grateful for you all, love you guys. God bless good night"

Continue reading below ↓

KISSES' CRYPTIC MESSAGE ABOUT HOW "PEOPLE COME AND GO"

Noon pa lang April 27, nagpahiwatig na si Kisses ng kanyang saloobin tungkol sa mga magandang relasyong bigla na lang natatapos dahil ayaw na ng isa.

"Sabi ko, bakit nagigising ang tao isang araw at lahat ng minahal nila sayo ay biglang ayaw na nila? How can people change their mind too quickly without warning?" bahagi ng tweet ni Kisses tungkol sa usapan nila ng isang taong itinuturing niyang mentor.

Pinayuhan daw siya nitong "people come and go" at kailangan niyang matutong maging "independent."

Tila defensive pang sabi ni Kisses, walang partikular na tao siyang tinutukoy sa kanyang realization na iyon.

Continue reading below ↓

KISSES' ANNOUNCEMENT OF DONKISS BREAKUP

Hanggang sa nitong nakaraang Sabado ay kinumpirma ni Kisses na matagal nang nabuwag ang love team nila ni Donny.

"I felt how strongly they want to fight for this ship despite the despites, as it is not just because of the ship itself but the family found in one another. I respect their feelings."

Sabi pa ni Kisses, hindi niya hahayaang makipag-away ang DonKiss fans sa supporters ni Donny at ng sinumang babaeng ipinapareha sa binata.

"I shall not permit myself to be involved in a sitation wherein two girls are to suffer being pitted against each otehr, a war they may not even want to be in, just to earn the 'victory' of being a guy's love team."

Continue reading below ↓

Nabuo ang love team nina Donny at Kisses sa pelikulang Walwal noong 2018.

Nasundan ito ng pagiging magkapareha nila sa ABS-CBN daytime series na Playhouse.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan on former loveteam partner Kisses Delavin: "But lets please respect her statement. I sincerely wish Kisses and her family the best."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results