Quotable quotes from legendary movie-TV idol Eddie Garcia 

by Rachelle Siazon
Jun 21, 2019
Eddie Garcia's life advice: "You do good to your fellowmen, and huwag kang mang-aapi ng tao, and you live a happy life.”
PHOTO/S: Noel Orsal

"Mabuti naman.Tumutuka-tuka pa!"

Ganito ang karaniwang kuwelang hirit ni Eddie Garcia sa tuwing nakakahuntahan siya ng entertainment reporters sa media launch ng kanyang mga pinagbibidahang proyekto.

Tunay na respetado ang beteranong aktor at direktor sa showbiz, pero mas lalo pa siyang napamahal dahal sa kanyang likas na pagiging magiliw at madaling lapitan para sa mga panayam.

Huwebes ng hapon, June 20, pumanaw si Eddie matapos ang 12 araw na pagkaka-confine sa ospital dahil sa isang aksidente.

Pero lumisan man siya ay iniwan niya ang ilan sa mga makukulay na quotable quotes mula sa kanyang mga panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula 2007 hanggang 2018.

1. ON AVOIDING INTRIGUE-BASED PUBLICITY

"Hindi kasi ako naniniwalang kailangan 'yang mga gimmick-gimmick.

"Paano maipapaliwanag na may mga pelikulang sinaksakan ng gimmicks, pero hindi rin kumikita?

"Sa bandang huli, ang panonoorin pa rin ng mga tao riyan, yung kabuuan ng pelikula, kung mahuhusay gumanap ang mga artista."

(February 2008)

Continue reading below ↓

2. NO BAD RECORD IN SHOWBIZ

"Wala naman tayong mapapala sa mga intrigang 'yan. Kaya ang iniisip ko, iiwas na lang ako.

"At kung hindi maiwasan ang kalokohan, just be discreet. Dapat ay alam ng isang artista kung paano dadalhin ang sarili sa harap ng publiko."

(February 2008)

Continue reading below ↓

3. ON THE NETWORK WAR

"Aware ako na may network war, pero kung hindi natin iintindihin, wala rin naman.

"Huwag na lang tayong makisali sa ganyan dahil parang conflict lang 'yan ng iilan, e.

"Maging masaya na lang tayo lahat."

(February 2008)

4. NO RETOKE EVER

"Hindi ako nagpaparetoke. You see the eyebags, you see the lines, puro natural 'yan. Wala po akong balak magparetoke.

Continue reading below ↓

"Hindi kailangan magparetoke para mabawasan ng kulubot sa mukha… Gusto mo sabihin ko sa 'yo?

"Pag natutulog ako, alam mo ba yung clip sa sampayan? Kini-clip ko yung batok ko! I-clip mo yung batok mo, matulog ka nang patagilid, maaalis yung kulubot mo!"

(March 2013)

Continue reading below ↓

5. NOT INTO STEM CELL THERAPY

"Takot ako sa stem cell dahil isipin mo, halimbawa, hatinggabi, imbes na humilik ako, baka, ‘meh, meh, meh." (imitates a goat’s bleating sound)

6. LET YOUR WORK SPEAK FOR ITSELF

"Kahit gaanong kaliit, pagbutihin mo. So it will be your recommendation for your next role.

Continue reading below ↓

"Para bang kung isang karpentero ka lang na gumagawa ng silya, napakakinis ng ginawa mong silya. Tatanungin, ‘Sino gumawa niyan?’ ‘A, si Juan.’ ‘Makapagpagawa nga doon.’"

7. NEVER MADE A DIRECTOR FEEL HE KNOWS BETTER

"Wala kasi akong balak na i-intimidate sila. Pagdating ko sa set, I’m an actor playing that role. Hindi ako nakikialam dun sa direktor.

Continue reading below ↓

"He’s the captain of the ship or she’s the captain of the ship, so nasa kanya yun.

"Kung anong sabihin niya, sinusunod ko. I don’t argue, I don’t try to take over as a director."

Continue reading below ↓

8. ON DEATH AND TAX

“Para sa akin kasi, ang buhay ng tao ay may hangganan. Kung hanggang dun ka na lang, hanggang dun ka na lang.

“Sa buhay kasi ng tao, there are only two things you cannot avoid—death and tax!”

(Presscon for Cinemalaya entry Bwakaw, July 2012)

Continue reading below ↓

9. DO IT NOW

"Whatever you do, if you could do it today, you would do something else tomorrow. So why wait for tomorrow what you could do today?"

(Presscon for GMA-7's Asian Treasures, February 2007)

10. BE GOOD TO OTHERS

“Well, you do good to your fellowmen, and huwag kang mang-aapi ng tao, and you live a happy life.”

Continue reading below ↓

(November 2018)

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Garcia's life advice: "You do good to your fellowmen, and huwag kang mang-aapi ng tao, and you live a happy life.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results