Matteo Guidicelli undergoes rigorous physical training at ranger camp

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2019
Matteo Guidicelli's new photos during his recent obstacle training at Camp Tecson in San Miguel, Bulacan circulate on social media.
PHOTO/S: Courtesy: We Support AFP on Facebook

Sumabak na si Matteo Guidicelli sa mga mahihirap na physical training sa ranger camp ng Camp Tecson, sa San Miguel, Bulacan.

Si Matteo ay 2Lt. reservist sa Philippine Army.

Sa isang post sa Facebook page na We Support AFP ngayong araw, June 26, ipinakita dito ang ilang larawang kuha sa pinagdaanang training ni Matteo.

Nakalagay sa caption, “Army Reservist 2Lt Mateo Guidecelli stood up to all the challenges as he undergoes series of challenging physical obstacles while being timed with the aim of testing speed, endurance and agility.

“Challenge accepted.”

Continue reading below ↓

Si Matteo ay nagpa-enlist sa Philippine Army noong April 15 bilang reservist.

Nagsimula naman ang kanyang isang buwang training sa ranger camp noong May 27 at magtatapos ito sa Lunes, July 1.

Bago ito, noong Marso ay sumali din sa Philippine Coast Guard Auxiliary si Matteo kasama ang mga kaibigang sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico.

"SERVING OUR COUNTRY"

Noong Mayo, kinuhang resource speaker si Matteo para sa National Cadet Corps of the Philippines Summer Encampment Training 2019 Closing Ceremony ng Junior High School Commandants Association of the Philippines (JHSCAP).

Sa kanyang speech, sinabi ng Kapamilya actor na isang pagbabalik-serbisyo para sa bayan ang kanyang ginawang pagsali bilang Army reservist.

Ito daw ang naisip niyan paraan para makapagbibigay ng kontribusyon sa bansa.

Pahayag pa ni Matteo, “At sinabi ko sa sarili, ‘Bakit hindi ako magpo-focus sa isang bagay, sa isang bagay na ako talaga?’ Ibig sabihin, sa pagiging Pilipino ko.

“So, sabi ko, the best way is to join the Army."

Continue reading below ↓

Ano nga ba ang puwede niyang gawin bilang Army reservist?

“Ngayon, yung girlfriend ko, yung mga magulang ko, sabi nila, ‘Bakit ka sasali ng Army? Maggigiyera ka ba?’" patuloy ng Kapamilya actor sa kanyang speech.

“Ngayon, they understood pag nasa reserve ka, or nasa Army ka, hindi naman ibig sabihin maggigiyera ka.

“Marami kang mga puwedeng gawin—kapag may mga disasters tayo, mga natural calamities, may mga relief goods, may mga operations tayong iba.

"Hindi necessarily pupunta sa giyera, kumbaga, di ba?"

Sa hiwalay na panayam sa kanya noong April 15, paliwanag pa ni Matteo, “Because, I’m a Filipino and I love my country.

“And I think this is another avenue na, kumbaga, i-share ko yung sarili ko sa bansa ko.

“Kumbaga, makatulong ako sa bansa ko.”

Samantala, nagpakita naman ng suporta ang girlfriend na si Sarah Geronimo at mga magulang ng aktor nang dumalaw sila sa kampo nito lamang June 15.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli's new photos during his recent obstacle training at Camp Tecson in San Miguel, Bulacan circulate on social media.
PHOTO/S: Courtesy: We Support AFP on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results