Jameson Blake reacts to ex-Hashtag Jon Lucas transfer to GMA-7

by Arniel C. Serato
Jul 5, 2019
Jameson Blake on anniversary of "shout out" controversy: "Yung solusyon ko dun ay hindi ako magpu-post. I tweet, pero just less active naman.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya si Jameson Blake sa takbo ng career ng dating kasamahan sa Hashtags na si Jon Lucas, na isa nang Kapuso ngayon.

Pahayag ng Kapamilya actor, “I’m happy for him.

“I mean, you know, sometime there should be another path for him, you know.

“I just wish the best for him.

“When I heard about it, I told him I missed him and 'I wish you all the best and good luck.'”

Nasuspinde noon si Jon sa Hashtags dahil natuklasang mayroon itong itinatagong anak.

Kalaunan, inamin din nito sa publiko na kasal na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend at mayroon na silang isang anak.

WORKING WITH ALDEN RICHARDS

Aktibong-aktibo ngayon ang showbiz career ni Jameson.

Bukod sa regular noontime show na It's Showtime, may dalawa siyang pelikula na magkasunod na ipapalabas—ang Hello, Love, Goodbye, at G!

Nakasama ni Jameson ang buong cast ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong shoot kasama ang mga bidang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Continue reading below ↓

Kumusta namang katrabaho ang Kapusong si Alden?

Tugon ng Kapamilya actor, “Si Alden? Okay naman, he’s cool.”

Ilang eksena rin ang pinagsamahan nina Jameson at Alden, pero hindi raw sila madalas nagkakausap.

Kapag wala raw kasing take ay abala si Alden sa iPad nito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa pictorial ng pelikulang G! sa may Quezon City kagabi, July 4.

Continue reading below ↓

Kasama niya sa pictorial ang iba pang bida sa pelikula na sina McCoy de Leon, Kira Balinger, Mark Oblea, at Paolo Angeles.

TWITTER GAFFE ANNIVERSARY

Kahapon din, July 4, ay eksaktong isang taon mula nung nasangkot sa Twitter controversy si Jameson.

Pinagpiyestahan ng netizens ang pag-crowdsource ng Kapamilya actor sa graphic designers na willing siyang gawan ng banner photos para sa kanyang social media accounts.

Continue reading below ↓

Ang kanya raw mapipili ay bibigyan niya ng "shout-out."

Mula noon, madalang na raw mag-tweet ang Hashtags member.

Saad niya, “Yeah, hindi ako nagtu-tweet. So, ayun.

“Yung solusyon ko dun ay hindi ako magpu-post.

“I tweet pero just less active naman.”

Na-trauma ba siya sa bashing na narnasan niya?

“Hindi naman, nawalan ako ng gana,” sagot ni Jameson.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jameson Blake on anniversary of "shout out" controversy: "Yung solusyon ko dun ay hindi ako magpu-post. I tweet, pero just less active naman.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results