Ara Mina turns cautious in answering Cristine Reyes-Ali Khatibi rumored separation

by Arniel C. Serato
Jul 19, 2019
Ara Mina on being single: "Feeling ko after nitong business, ibibigay na sa akin ni Lord yung para sa akin. Yung magiging partner in life ko, yung hindi ako paiiyakin, yung aalagaan ako."
PHOTO/S: Arniel Serato

Dahil mailap sa media si Cristine Reyes, hindi maiwasang sa kapatid niyang si Ara Mina madalas nagtatanong ang reporters tungkol sa hiwalayan diumano ni Cristine at ng asawa nitong si Ali Khatibi.

Ngunit sa pagkakataong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara noong Linggo, July 14, atubili na itong magbigay ng pahayag.

Puro tawa at halakhak na lamang ang tugon nito sa mga katanungan.

“Ako, matagal na akong hiwalay. Tanong natin sa kanya?” natatawang pagtukoy ni Ara sa nakababatang kapatid.

Kahit usap-usapan na ang tungkol dito, wala pa ring direktang pag-amin sina Cristine at Ali na hiwalay na sila.

Anong payo ni Ara sa kanyang kapatid?

Sagot ng aktres, “Wala, sabi ko, 'Be happy sa life.'

“We’re not alone because we have beautiful daughters.”

Anong proseso kaya ang pinagdadaanan nina Cristine at Ali ngayon?

Natatawa pa ring tugon ni Ara, “Hindi ko alam, ewan ko. No comment!

Continue reading below ↓

“Basta ano, hayaan na natin, may purpose si God.”

Naramdaman ba niya noong magtatagal ang relasyon nina Cristine at Ali?

Saad ni Ara, “Basta ang masasabi ko lang, sobrang in love lang si AA [Cristine] nung time na yun, so wala tayong magagawa diyan. Ganun lang.

“Ayun, basta ano lang, intact ang family namin ngayon.

“I’m so happy na nabalik na yung dati.”

May nabalitaan na ba siyang umaaligid o manliligaw sa kapatid?

Tugon ni Ara, “Si AA pa, suplada, takot ang lalaki sa kanya.

“Walang umaaligid sa kanya. E, tingnan ka pa lang niya, di ba?”

STILL WAITING FOR MR. RIGHT

Sa ngayon, abala si Ara sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Amanda Gabrielle, 5.

Si Amanda ay anak ng aktres sa dating boyfriend na si Patrick Meneses, ang bagong halal na vice mayor ng Bulakan, Bulacan.

Bukod dito, abala rin si Ara sa kanyang mga negosyo kabilang na ang restaurant at cake shop na Hazelberry.

Continue reading below ↓

May panahon pa ba siya sa kanyang love life?

Sagot nito, "So, may time pa ba ako for love life?

"Hindi, basta ano kasi, kasi sa status ko ngayon, parang niri-reap ko na yung mga pinaghihirapan ko dati.

"Feeling ko, after nitong business, ibibigay na sa akin ni Lord yung para sa akin.

"Yung magiging partner in life ko, yung hindi ako paiiyakin, yung aalagaan ako."

Hindi naman daw siya nagmamadaling makahanap ng partner ni life dahil may anak na siya at happy siya sa kanyang career.

"Happy naman ako sa career ko, may movie ako, may guesting minsan.

"Though hindi na katulad before na wala nang tulog, but my business is really doing good.

"Talagang nakikita ko yung pag-grow ng business ko.

"Nakakatuwa kasi, di ba, ang hirap mag-ano, e, minsan talaga mahaba yung pagdadaanan mo bago mo ma-reach yung gusto mong ano.

"Like, sa pag-artista ko, di ba, nag-passersby ako, nag-talent ako, nag-supporting role, hanggang sa naging bida."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Ara, "So, pagdating sa business, pinagdadaanan ko din ngayon yun.

"I started from online, ang dami ko na na-put up na business before na nalugi.

"'Tapos hanggang sa sumasali ako ng bazaars, talagang kumbaga sa stairs, nagsisimula talaga ako sa pinakamababa na step.

"'Tapos nakikita ko na progressive siya ngayon, nakakatuwa, kasi hindi naman lahat ng tao nabi-blessed or nagiging successful sa business.

"Parang nararamdaman ko na ni-reap ko ngayon yung mga paghihirap ko noon pagdating sa business kasi hindi ako gumive up."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on being single: "Feeling ko after nitong business, ibibigay na sa akin ni Lord yung para sa akin. Yung magiging partner in life ko, yung hindi ako paiiyakin, yung aalagaan ako."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results