Marjorie Barretto removes "ghost writer" description on IG bio; "ghost buster" Gretchen posts praises from netizens

by Arniel C. Serato
Aug 12, 2019
Marjorie Barretto (right) deletes "Ghost Writer" tag on her Instagram bio after estranged sister Gretchen (left) added "GHOST BUSTER" description on her IG bio.
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenbarretto / @marjbarretto on Instagram

Binura na ni Marjorie Barretto ang “Ghost Writer” description sa kanyang Instagram bio.

Ito ay matapos siyang patulan ng kapatid na si Gretchen Barretto.

Kasunod ng pag-edit ni Marjorie sa kanyang bio, kung saan idinagdag niya ang “Ghost Writer” sa description sa sarili, ang ate naman niyang si Gretchen ay tila sumagot sa kanyang pasaring sa pamamagitan ng pagdagdag ng "GHOST BUSTER" sa Instagram bio nito.

Continue reading below ↓

Matatandaang sinabi ni Gretchen na may “ghost writer” ang pamangking si Julia Barretto nang maglabas ito ng pahayag, sa pamamagitan ng Instagram noong August 6, kung saan direkta nitong inakusahan si Bea Alonzo ng pambu-bully.

Ito ay kasunod ng alegasyong third party diumano si Julia sa hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Gretchen sa kanyang komento sa isang post ng netizen: “THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT.”

GRETCHEN WINS AGAINST MARJORIE?

Tila “savage” naman kung ituring ang pagpu-post ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories ng mga papuri at pagkiling sa kanya ng ilang netizens kaugnay ng pasaringan nila ni Marjorie.

Continue reading below ↓

#TeamGreta ang ginamit ng ilang netizens na hashtag na “for the win” daw laban kay Marjorie.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kalaunan, binura ni Marjorie ang kanyang “Ghost Writer” tag.

Ayon sa ilang netizens, patunay ito na si Gretchen ang nagwagi sa kanilang patutsadahan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Taong 2014 nagsimula ang alitan nina Gretchen at Marjorie na nag-ugat nang mag-post si Gretchen sa Instagram ng papuri kay Liza Soberano.

Hindi raw ito nagustuhan ni Marjorie dahil si Liza ay itinuturing na karibal ng kanyang anak na si Julia sa bakuran ng ABS-CBN.

Noong panahong iyon, parehong ginu-groom ng Kapamilya network at Star Magic sina Julia at Liza bilang next top leading ladies ng network.

Continue reading below ↓

Labis daw na nasaktan si Marjorie at ito na ang simula ng kanilang alitan ni Gretchen.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto (right) deletes "Ghost Writer" tag on her Instagram bio after estranged sister Gretchen (left) added "GHOST BUSTER" description on her IG bio.
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenbarretto / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results