Mark Herras curses bashers over malicious comments about his relationship with Nicole Donesa

by Arniel C. Serato
Aug 23, 2019
Kapuso actor Mark Herras reacts to bashers' comments about his relationship with newcomer Nicole Donesa.
PHOTO/S: Courtesy: @gmanetwork / @nicole_donesa on Instagram

Kumpirmado na ang relasyon ni Mark Herras sa baguhang aktres na si Nicole Donesa.

Sa Instagram account ng GMA Network kagabi, August 22, inanunsiyo ritong opisyal nang magkasintahan sina Mark at Nicole.

Nakalagay sa caption sa larawan nila: “#Nabihag: @herrasmarkangeloofficial and actress @nicole_donesa confirm relationship. New couple alert!”

Magkasama ang dalawa sa katatapos lamang na afternoon drama series ng GMA-7 na Bihag.

Continue reading below ↓

Natuwa naman dito ang co-stars nila sa teleserye na sina Max Collins, Sophie Albert, Pancho Magno, at DJ Durano.

Continue reading below ↓

MARK HERRAS FIGHTS BACK

Sa comments section, may ilang netizens ang negatibo ang naging reaksiyon sa bagong kabanata na ito sa buhay pag-ibig ng Kapuso actor.

Sa lahat ng ito ay malutong na mura ang isinagot ni Mark.

Iang netizen ang inihalintulad si Mark sa Kapamilya stars na sina Luis Manzano at Gerald Anderson na papalit-palit umano ng kasintahan.

Buwelta sa kanya ng Kapuso actor: "ul*l"

Continue reading below ↓

Pinalagan din ni Mark ang pagtawag sa kanya na isang netizen ng "Budoy ng gma 7."

Ang Budoy ay ang karaker na pinasikat ni Gerald sa teleserye ng ABS-CBN na may kaparehong titulo.

Tugon ni Mark: “ul*l bulol ako hindi budoy"

Pinatulan din ni Mark ang netizen na nagkomento ng "Mahilig talaga sa chaka si mark."

Continue reading below ↓

Buwelta ng Kapuso actor: “ul*l ul*l ul*l”

Mura rin ang isinagot ng aktor sa komentong ito ng isa pang netizen: "Grabe sia ung mga kasabayan nia At ung naging lt nia At gf lumagay n sa tahimik si pa gf gf n lng version ni gerald anderson at Luis M.”

Continue reading below ↓

Kasunod nito, deadma na si Mark sa iba pang komento.

Bago naging sila ni Nicole, ang huling nakarelasyon sa showbiz ni Mark ay si Reina Hispanoamericana 2018 Winwyn Marquez. Tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

Nilinaw nilang walang third party sa kanilang hiwalayan.

Si Nicole ay sumali sa Binibining Pilipinas 2013 at sa Miss World Philippines 2014.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Mark Herras reacts to bashers' comments about his relationship with newcomer Nicole Donesa.
PHOTO/S: Courtesy: @gmanetwork / @nicole_donesa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results