KC Concepcion shuts down another body-shamer

by Jet Hitosis
Aug 23, 2019
KC Concepcion responds to another basher, saying those who "feel good body shaming" her need not use fake accounts.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Sinupalpal ni KC Concepcion ang isang basher, at sinabihang hindi nito kailangang gumawa ng fake account para lang magsagawa ng body-shaming laban sa kanya.

Nagkomento ang netizen sa litratong ipinost ni KC ngayong Biyernes, August 23, kung saan makikita ang aktres na naglalakad sa Manhattan sa New York.

Caption ni KC: “(Big apple emoji) could not WAIT to get out of my hotel room.

“I’ve missed you NEW YORK!!! (three stars emohi) #KacecapadesNYC.”

View this post on Instagram

???? I could not WAIT to get out of my hotel room. I’ve missed you NEW YORK!!! ? #KacecapadesNYC

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

Bagamat maraming followers ng aktres ang pumuri sa kanyang litrato, isang netizen ang pumuna sa kanyang “outfit to hide the excess pounds esply wabbly flabby tummy.”

Buong komento ng netizen: “Good for rainy weather though, but another outfit to hide the excess pounds esply wabbly flabby tummy.”

Mabilis na sumagot si KC, at ibinuking ang fake account ng kanyang body-shamer.

Buwelta niya: “You have 2 followers and a fake profile pic.

“If you feel so good about body shaming me, you shouldn’t feel the need to HIDE.”

Continue reading below ↓

KC JOINS FAMILY IN NEW YORK

Bumiyahe si KC patungong New York noong Huwebes, August 22, upang sundan doon ang inang si Sharon Cuneta, kasama ang buong pamilya nila.

Sa latest post ni Sharon ngayong Biyernes ng tanghali, August 23, makikita sa dalawang litrato—na kuha sa hotel lobby at sa dinner table—na kasama na ng Megastar ang panganay na anak.

Continue reading below ↓

Bukod kina Sharon at KC, nasa litrato rin sina Senator Francis Pangilinan, Frankie, Miel, at Miguel.

View this post on Instagram

Before turning in earlier tonight. Sorry, dark in our hotel floor’s corridor!

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Limang araw na ang nakalipas nang ihatid ng pamilya ni Sharon si Frankie sa New York, kung saan ito magkokolehiyo.

Kahapon, August 22, lang nakasunod si KC sa kanyang pamilya sa New York.

View this post on Instagram

All I need in life is my family.??????????????????

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

CONSTANT BATTLE AGAINST BODY-SHAMERS

Hindi ito ang unang pagkakataong sumagot si KC sa body-shaming laban sa kanya.

Ilang pagkakataon na rin niyang sinopla ang mga netizen na pumapansin sa kanyang katawan.

Ilang araw lang ang nakalipas nang kinailangang magpaliwanag ni KC makaraang mapagkamalan siyang buntis dahil sa sukat ng kanyang katawan.

Sa question-and-answer session sa kanyang Instagram followers nitong August 8, binigyang-diin ni KC na siya ay “have NEVER BEEN PREGNANT in my life.”

Inamin din niyang nagpapapayat nga siya “at baka mapagkamalan pa akong buntis ng paulit ulit…ulit ulit…ulit ulit… walang katapusan.”

Kaugnay nito, nai-share pa ni KC sa isang netizen noong nakaraang linggo ang kasalukuyang diet meal plan niya.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktres, balik-“Pesco-ova vegetarian” siya ngayon.

Ibig sabihin, isda, itlog, at gulay lang ang kinakain ni KC.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion responds to another basher, saying those who "feel good body shaming" her need not use fake accounts.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results