Julia Barretto quashes third-party issue in breakup with Joshua Garcia

by Rachelle Siazon
Aug 23, 2019
Julia Barretto on failed relationship with Joshua Garcia: "It's painful kasi hindi madali makapag-heal na yung lahat ng tao may nasasabi."
PHOTO/S: @ic.mendoza / @juliabarretto Instagram

"Definitely hindi third party."

Idiniin ni Julia Barretto na hindi si Gerald Anderson o sinumang third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Joshua Garcia.

Hindi raw maintindihan ni Julia kung bakit nadawit ang breakup nila ni Joshua sa hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo.

Base ito sa panayam kay Julia ni MJ Felipe, na lumabas sa ABS-CBN News Online noong August 22.

"Definitely hindi siya," tukoy ni Julia kay Gerald.

"Walang ibang taong naging dahilan ng breakup namin ni Joshua."

Hangga't maaari ay ayaw raw sanang isapubliko pa ni Julia ang eksaktong dahilan bakit tinuldukan nila ni Joshua ang dalawang taon nilang relasyon.

"I think, it's such a shame, you know, to go through a failed relationship in front of the world and in public.

"And it's painful kasi hindi madali makapag-heal na yung lahat ng tao may nasasabi."

Pero pahiwatig niya, bilang magkasintahan noon ay may mga naging problema sila ni Joshua.

Continue reading below ↓

Aniya, "But it's always been our own issues.

"And we're also very young. We're still trying to figure out ourselves, our direction in life, what we really want.

"And I think the decision that we made was a mutual decision because we knew yun yung makakabuti sa isa't isa."

Hindi na raw para magsiraan pa sila ng dating nobyo.

"So, ayaw na namin i-damage yung isa't isa, so we protected each other because there is love."

Giit ni Julia, hindi mawawala ang pagmamahal niya para kay Joshua.

"Always, always, always yun."

TWO-YEAR RELATIONSHIP

Noon lamang April 2019, sa kani-kanilang Instagram Stories, nag-post pa sina Joshua at Julia tungkol sa kanilang second anniversary.

Nagsilbi iyong kumpirmasyon na sila na mahigit dalawang taon mula nang una silang nagkatambal sa Vince & Kath & James.

Pumatok sa takilya ang pelikula nilang iyon na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival 2016.

Naging bukas sa pagsasabi si Joshua na January 2017 nang nagsimula siyang manligaw kay Julia.

Continue reading below ↓

Mula noon, nasubaybayan ng publiko ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa.

Makailang-beses pang nagtambal sa pelikula at sa teleserye ang dalawa.

Isa sa mga pagkakataong nagpahiwatig sila tungkol sa estado ng kanilang relasyon ay noong digicon para sa pelikulang I Love You, Hater noong July 13, 2018.

Inamin ni Julia na away-bati sila ni Joshua, pero paglilinaw niya "Because we're human and we're a normal couple."

Continue reading below ↓

Mabilis din daw nilang naayos ang kanilang tampuhan.

December 2018 naman nang tawagin ni Julia na "gamer boyfie" niya si Joshua.

Halos hindi raw kasi makausap si Joshua kapag tutok ito sa computer games.

Masaya pa ang kulitan nila noon.

At sweet na sweet din sila noong 22nd birthday ni Julia noong March 2019.

Continue reading below ↓

REAL-LIFE BREAKUP OF JOSHLIA

Hanggang sa noong June 28, 2019, inamin nina Joshua at Julia na bumalik sila sa pagiging "bestest of friends" na lang.

Sa panayam na iyon ng ABS-CBN News, pinabulaanan ni Julia ang bali-balitang si Gerald ang dahilan ng pinagdaanang problema nila ni Joshua.

July 4 nang kumpirmahin ni Joshua sa PEP.ph na break na sila ni Julia.

Pero paglilinaw ng binata, maayos ang naging hiwalayan nila.

July 21 nang pumutok ang kontrobersiyal na hiwalayan nina Bea at Gerald.

Naiulat pa noon ang pag-like ni Joshua sa matalinhagang Instagram post ni Bea tungkol sa pinagdadaanang problema nito.

Sa Instagram Stories ni Joshua, nagpahiwatig din siya na "I'm mute" sa gitna ng kontrobersiya.

Kasunod nito ay may ibinahagi si Joshua na emotional scene mula sa sikat na Spanish crime drama series La Casa de Papel o Money Heist.

Sabi rito ng isa sa mga karakter, "You will move on to someone better than me."

Continue reading below ↓

Nang madawit si Julia sa isyung hiwalayan nina Bea at Gerald, aminado si Joshua na kahit papaano ay "nasasaktan" siya sa pambabatikos kay Julia.

Pero naniniwala raw si Joshua na malalampasan din ng ex-girlfriend ang kontrobersiyang kinasangkutan nito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on failed relationship with Joshua Garcia: "It's painful kasi hindi madali makapag-heal na yung lahat ng tao may nasasabi."
PHOTO/S: @ic.mendoza / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results