Jasmine Curtis-Smith's boyfriend Jeff Ortega appointed as DOT regional director

by Jet Hitosis
Sep 3, 2019
Jasmine Curtis-Smith (right) proudly joins her boyfriend of three years, Jeff Ortega (center), and Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat (left) in a photo op after Ortega's oath taking as the new regional director of tourism of Department of Tourism-National Capital Region on Monday, September 2.
PHOTO/S: @jascurtissmith on Instagram

Nanumpa sa tungkulin bilang pinakabatang opisyal ng Department of Tourism (DOT) si Regional Director Jeff Ortega.

Ang oath taking ng 29-anyos na bagong DOT official nitong Lunes, September 2, sa opisina ng kagawaran sa Makati City, ay personal na sinaksihan ng girlfriend niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Ipinost pa ni Jasmine sa kanyang Instagram Story nitong Lunes ng gabi ang dalawang litrato sa oath taking ni Jeff—Joseph Francisco Ortega ang buong pangalan.

Sa unang litrato, makikita ang aktuwal na panunumpa sa tungkulin ni Jeff sa harap ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Caption ni Jasmine: “Congratulations bb aka RD @jeffortega (heart emoji).”

Continue reading below ↓

Ang pangalawang larawan, kasama si Jasmine nina Jeff at Secretary Puyat nang magpa-picture sa harap ng seal ng DOT pagkatapos ng seremonya.

JEFF NOW READY FOR “TOUGH BUT EXCITING NEW JOB”

Nanumpa si Jeff bilang bagong regional director for tourism ng DOT-National Capital Region.

Una nang nag-post si Jeff sa Instagram nitong Lunes ng litrato ng oath taking niya sa kalihim, upang kumpirmahin ang pagsisimula niya ng “tough but exciting new job.”

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din ang bagong DOT official kina Pangulong Rodrigo Duterte at Secretary Puyat sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang marahil ay pinakabatang opisyal ng gobyerno.

Saad sa caption ni Jeff:

“Finally assumed my post as the youngest Regional Director for Tourism in the Philippines today.

“Thank you to President Rodrigo Duterte for strengthening the youth and giving us an opportunity to serve the Filipino people as well as to the current Secretary of Tourism @bernsrp for trusting me with the tough but exciting new job!

“I still have a long way to go but i’m looking forward to gaining more experiences during my term with my new DOT family (smiley) PH.

“To God be the Glory (praying emoji) #SustainableTourism #ItsMoreFunInThePhilippines #MoreFunForever.”

Binati naman si Jeff ng kanyang mga kaibigan, kabilang sina KC Concepcion, Gretchen Ho, Gab Valenciano, Neri Miranda, Kean Cipriano, Sandro Marcos, at ng kapwa niya batang opisyal na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, 31-anyos.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

AN ADVOCATE OF TOURISM

Nagmula sa political clan ng mga Ortega sa La Union, July 9 ngayong taon nang unang kumpirmahin ni Jeff na “i’m jumping in the political arena the best way I know after years of hard work.”

Sa pamamagitan ng litratong ipinost niya sa Instagram, kasama si Secretary Puyat, inamin ni Jeff na bagamat pangarap din niyang pagsilbihan ang kanyang lalawigan, “I knew that my passion was in tourism.”

Sa isa pang post ni Jeff na may petsang July 30, makikitang bumisita siya sa Kamara de Representantes, sa Batasan Complex sa Quezon City.

Kasama ang “mentor” niyang si DOT 1 Regional Director Martin Valera, nagpakuha ng litrato si Jeff katabi ang mga kongresista mula sa mga probinsiya sa Region 1 “who I might get the chance to work with in the future.”

Ilang linggo bago sumabak sa bagong trabaho sa DOT, sinabi ni Jeff sa isa pang Instagram post nitong August 9 na nakumpleto na niya ang unang “comprehensive course on the accreditation of primary tourism establishments in the Philippines.”

Continue reading below ↓

SUCCESSFUL ENTREPRENEUR

Bagamat respetado ang kanyang pamilya bilang mga lingkod-bayan sa La Union—na ang gobernador ay kapatid niyang si Francisco Emmanuel R. Ortega III—mas tinutukan ni Jeff ang pagnenegosyo.

Graduate ng Political Science at kumuha ng MBA sa Ateneo de Manila University, si Jeff ang founder ng walong taon na ngayong La Union Surf School (LUSS) sa bayan ng San Juan sa probinsiya.

Si Jeff din ang nagpasimula ng taunang La Union Soul Surf music festival, na nag-eengganyo ng turismo dahil dinadayo ng publiko ang mga international music acts na itinatampok sa event.

Mayroon ding burger restaurant si Jeff, at ngayong taon lang ay nag-soft opening na rin sa San Juan ang boutique hotel niya, kung saan kasosyo ang kanyang girlfriend na si Jasmine.

Taong 2016 nang kumpirmahin ni Jasmine ang relasyon niya kay Jeff.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis-Smith (right) proudly joins her boyfriend of three years, Jeff Ortega (center), and Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat (left) in a photo op after Ortega's oath taking as the new regional director of tourism of Department of Tourism-National Capital Region on Monday, September 2.
PHOTO/S: @jascurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results