JM de Guzman still sensitive to people's judgment about his past

by Rey Pumaloy
Sep 3, 2019
JM de Guzman on people's judgment about his past: "Kapag nakakarinig po ako ng… nagiging sensitive po ako. Minsan nararamdaman ko pa rin… alam po niyo yung tahi na pag hinawakan mo, medyo sensitive pa rin, may sugat."
PHOTO/S: Noel Orsal

Patuloy si JM de Guzman sa pakikipag-ugnayan sa mga taong tumutulong para magtuluy-tuloy ang kanyang pagbabago at hindi na bumalik sa dati niyang gawain.

Pahayag pa ng Kapamilya actor, “Ngayon po, stay connected.

“Pag feeling ko putok na ako, feeling ko babalik na ako sa old ways ko, feeling ko hindi kakayanin…

“I always talk to them weekly. May psychiatrist ako, may life coach ako, may rehab ako.”

Nilinaw ni JM na hindi ang paggamit ng illegal drugs ang tinutukoy niyang babalik siya sa “old ways.”

“Hindi po sa dating ginagawa ko, yung emotional relapse.

“Yun naman po ang pinagsimulan, pag pumutok ka at wala ka nang pakialam, dun na lalabas ang ugali mo, kaya ka gagamit ng ganun.”

Desidido raw si JM na maituwid na ang kanyang buhay.

Seryoso niyang pahayag, “Mahirap po, kasi maraming at risks... yung pamilya ko.

Continue reading below ↓

“Umaasa po ako na makatulong pa rin at sa future family ko na gusto kong mabuo.

“Ang misyon ko kasi, hindi iparanas sa kanila yung naranasan ko, they don’t deserve what I’ve experienced.”

Hangga’t maaari ay sa mga tamang tao lang daw siya nakikihalubilo sa kasalukuyan.

“Mas nari-realize ko ngayon na I just stay with sa mga positive na tao, ma-uplift ka, mai-inspire ka.”

Aminado si JM na sensitibo pa rin siya sa mga panghuhusga ng iba sa pagkalulong niya sa droga noon.

“Kasi pag wala po akong teleserye, kaya ko ‘yan,” na ang tinutukoy niya ay ang magkibit-balikat na lang.

“Pero may teleserye po, kasi bubuksan ko po ito, e,” sabay turo ni JM sa kanyang puso.

“Kapag nakakarinig po ako ng… nagiging sensitive po ako.

“Minsan nararamdaman ko pa rin… alam po niyo yung tahi na pag hinawakan mo, medyo sensitive pa rin, may sugat.”

Continue reading below ↓

Muntik na ba siyang mapaaway?

Mabilis niyang sagot, “Opo. Minsan po nakakarinig ako ng pambabastos harap-harapan kapag magpa-picture sa akin, ‘Huwag kang papa-picture diyan, addict ‘yan!’

“Nagpa-flashback lahat ng inilaban ko—three years of rehabilitation, yung state of mind, hindi nila maintindihan… conundrum, something hard to explain.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM sa grand launch ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Pamilya Ko noong August 30, Biyernes.

STILL SENSITIVE

Ngumingiti at nagbibiro si JM habang kausap siya ng entertainment press.

Pero inamin ng aktor na bago siya pumunta ng presscon ng Pamilya Ko, pagkagising pa lang ng umagang iyon ay naging emosyunal siya.

Pagbabahagi niya, “Actually, pinapagaan ko lang ng tawa kasi kanina pa po ako naiiyak, pagkagising ko pa lang…

“Hindi ko alam, hindi ko pa po mawari kung bakit nabigyan pa po ako ng chance.

Continue reading below ↓

“Sobra lang akong overwhelmed and ayokong pakita. I tried do extra movements.

“Sobra akong grateful.”

Sa dinami-dami ng gustong mag-comeback, siya yung nabigyan ng magandang opportunity?

Tugon ni JM, “Hinahanap ko po araw-araw, hinahanap ko yung rason.

“Maybe I can use this platform para makatulong din siguro doon sa mga nanggaling o doon sa pinuntahan ko.

“Yun po ang nilu-look forward ko a day at a time.

“Actually, sinusuportahan po ako nina Tita Sylvia [Sanchez] at Tsong Joey [Marquez] doon sa ganung gustong naming gawin to give back.”

Kahit makikita sa hitsura at kilos ni JM na maayos na ang kanyang estado, hindi pa rin daw siya buo.

“I still have work to do, sa sarili ko.

“One year pa lang po akong nabubuhay sa outside world.

“Nasa loob kami ng controlled environment. Iba ang buhay namin noon.

“Nabubuhay kami, from 5:30 A.M. hanggang 9 P.M., may sarili kaming..

Continue reading below ↓

“Ngayon pa lang yung application ng lahat ng natutunan ko dun.

“Actually, hard… yun nga po actually ang sinasabi ko sa kanila, ang hirap pala.”

July 21, 2018 nang makumpleto ni JM ang tatlong-taong SELF Treatment, Rehabilitation & Value Formation Program.

Taong 2012 nang unang sumailalim sa drug rehabilitation program si JM, na hindi niya natapos, hanggang sa nagkaroon siya ng relapse sa paggamit ng ilegal na droga pagsapit ng 2015.

Ngayong September 2019, simula na uli ng panibagog hamon kay JM sa telebisyon, sa pamamagitan ng agganap niya sa teleseryeng Pamilya Ko.

Read Next
Read More Stories About
JM de Guzman, pamilya ko
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman on people's judgment about his past: "Kapag nakakarinig po ako ng… nagiging sensitive po ako. Minsan nararamdaman ko pa rin… alam po niyo yung tahi na pag hinawakan mo, medyo sensitive pa rin, may sugat."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results