Ai-Ai delas Alas plans to semi-retire from showbiz like Sharon Cuneta

by Arniel C. Serato
Sep 4, 2019
Ai-Ai delas Alas (left) on Sharon Cuneta's plans of semi-retirement from showbiz: "I’m happy for her kasi alam ko na dun siya magiging masaya.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya si Ai-Ai delas Alas, 54, para sa kanyang kaibigang si Sharon Cuneta, 53, na nagbabalak nang maghinay-hinay muna sa showbiz.

Ayon sa Comedy Queen, deserve ng Megastar na ma-enjoy ang kanyang buhay sa labas ng showbiz pagkatapos ng halos 41 taon na pagtatrabaho sa industriya.

“Semi-retired na rin si Mega, dati na niyang sinasabi.

“Kasi alam ko, ano na siya, gusto niya, happy siya sa ganun.

“Semi-retired na rin ba si Megs?

“I’m happy for her kasi alam ko na dun siya magiging masaya.”

Nitong madaling-araw ng Martes, September 3, inanunsiyo ni Sharon sa kanyang Instagram na gusto na niyang magpahinga sa showbiz.

Pagod na pagod na raw siya sa hinaba-haba ng kanyang pagtatrabaho sa showbiz industry.

Bahagi ng post ni Sharon sa Instagram (published as is):

“On another note, and this is important- Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired.

Continue reading below ↓

"It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na 'tama na.'

"When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay.

"Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family.

"Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians.

"Mahal na mahal ko kayo...pero pagod na rin si Mama..."

Si Ai-Ai naman ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng judges ng The Clash Season 2, sa Studio 7 ng GMA Network, Quezon City, kagabi, September 3.

Kasama niyang humarap sa press sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Continue reading below ↓

Mapapanood ang second season ng The Clash simula September 21.

AI-AI PREPARES FOR SEMI-RETIREMENT IN 2020

Sa kanyang panig, magsi-semi-retire na rin daw si Ai-Ai sa August 2020.

Ito ay para sa plano nila ng asawang si Gerald Sibayan na magkaanak via in-vitro fertilization (IVF) procedure.

Natatawang sabi ni Ai-Ai tungkol sa planong pansamantalang paglisan sa showbiz, “Looking forward, tingnan ko kung ano ba ang pakiramdam… ng bum.

Continue reading below ↓

“Ano kaya ang pakiramdam ng bum, 'tapos binubuhay ka totally ng asawa mo?

“Hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko, e, kasi ako yung breadwinner.

“So, hindi ko alam kung magpa-panic ba ako or ano ba gagawin ko, sa bahay lang ako, magluluto?”

Thirty years na sa showbiz si Ai-Ai.

Pag-amin niya sa kanyang balak na pansamantalang pamamahinga sa industriya, “Tingin ko, malulungkot ako.

“Hindi mapakali. Malulungkot ako.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas (left) on Sharon Cuneta's plans of semi-retirement from showbiz: "I’m happy for her kasi alam ko na dun siya magiging masaya.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results