DOLE: GMA-7 violated three work safety regulations in Eddie Garcia on-set accident

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2019
Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa proposed budget ng DOLE para sa 2020, muling naungkat ang isinasagawang imbestigasyon ng departamento kaugnay ng aksidenteng nangyari sa yumaong aktor na si Eddie Garcia sa set ng Kapuso teleserye Rosang Agimat noong Hunyo 8, 2019.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for Yes!

Nakitaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang GMA Network ng tatlong paglabag sa safety precautions sa lugar ng trabaho kaugnay ng aksidenteng nangyari sa namayapang aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Noong June 8, 2019, napatid sa kable at nadapa si Eddie habang nagti-taping ng now-shelved drama series ng istasyon na Rosang Agimat.

Dahil sa insidente, na-comatose ang aktor hanggang sa tuluyan siyang bawian ng buhay, sa edad na 90, noong June 20.

Base sa ulat ng CNN Philippines nitong Miyerkules, September 4, sinabi ni DOLE National Capital Region (DOLE-NCR) director Sarah Buena Mirasol na tatlong safety precautions ang nilabag ng Kapuso network: hindi pagsumite ng network at ng mga contractor ng report ng insidente sa loob ng 24 oras, hindi pagtatalaga ng safety officer, at hindi pagpu-provide ng first aide professional sa set ng teleserye.

Ibinahagi ito ng DOLE official sa budget hearing ng House Appropriations Committee matapos hingan ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ng update ng isinasagawang imbestigasyon ng DOLE sa pagkamatay ni Eddie.

Hindi naman nasagot ni Mirasol ang tanong ni Brosas kung may penalties na silang ipinataw sa GMA-7 kaugnay ng mga paglabag na kanilang natuklasan.

Ayon kay Mirasol, humiling ang network at ang mga contractor nito ng palugit para magsumite ng kanilang sagot sa findings sa imbestigasyon.

Magkakaroon daw ng pagpupulong ang DOLE, GMA-7, at iba pang sangkot sa insidente sa September 16, Lunes, kung saan maglalabas na ang nasabing sangay ng gobyerno ng resolusyon nito sa insidente.

Sa kabilang banda, natapos na rin ng GMA-7 ang kanilang internal investigation sa insidente, ngunit hindi pa ito naisasapubliko dahil hinihintay pa umano ang approval ng pamilya ng yumaong beteranong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huling ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 14, sinabi ng DOLE-NCR na hindi pa ito tapos sa kaniyang imbestigasyon.

Tiniyak naman ng GMA-7 na nakikipagtulungan sila sa ahensiya ukol dito.

Ayon pa sa pahayag noon ng istasyon:

“GMA Network fully supports the Department of Labor and Employment (DOLE)’s undertakings to ensure health and safety in the workplace.

“Related to this, the Network has been cooperating in the labor investigation and has attended the meetings and submitted all necessary reports as required by DOLE and the Occupational Safety and Health Center (OSHC).

“The Network will respond to the DOLE when we receive its order and/or a copy of its investigation results.”

Nakikipag-ugnayan na ang PEP.ph sa GMA-7, sa pamamagitan ng GMA Corporate Communications, tungkol sa bagong pahayag ni DOLE-NCR director Sarah Buena Mirasol.

Kaagad naming ilalathala ang sagot ng network sa oras na matanggap namin ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa proposed budget ng DOLE para sa 2020, muling naungkat ang isinasagawang imbestigasyon ng departamento kaugnay ng aksidenteng nangyari sa yumaong aktor na si Eddie Garcia sa set ng Kapuso teleserye Rosang Agimat noong Hunyo 8, 2019.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for Yes!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results