Ini-enjoy na raw ngayon ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang kanyang semi-retirement status sa Amerika.
Pahayag ni Lani, “I know, I love it, gusto ko itong ganito.
“I’m not young anymore.
“I just celebrated my 50th birthday in Las Vegas.
“I’m just honestly very grateful na andun ako, sa Las Vegas, nung nag-50 ako.
“I celebrated with my family and my friends over there, and most especially yung mga grandchildren ko.”
Nagdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan si Lani noong August 3.
Bukod kay Lani, ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at ang Megastar na si Sharon Cuneta ay nagbabalak na ring mag-slow down sa showbiz pagkatapos ng maraming taong pagtatrabaho.
Dagdag pa ni Lani, “Yung kanina nga, just like I said ano, e, kailangan mo na lang i-treasure yung ganung edad.
“Kasi yung time na yung bata pa yung dalawa kong daughters, yung yun somehow kasagsagan ko rin ng trabaho, alam mo yun?
“Alam mo yun, sumusunod pa sila sa yaya kaysa sa akin. Alam mo yun, mga ganun.
“So, as much as possible, i-enjoy mo, yung i-treasure mo yung mga ganun.
“Although, no regrets.
"Yung mga anak ko, they’re very grateful at alam nila that I’ve been working so hard for the family.
“Just like I said, I am enjoying my time as semi-retired.”
Pagpapahiwatig din ba ito na wala na siyang dapat patunayan pa kaya hinay-hinay na lang siya sa kanyang karera?
Paglilinaw ni Lani, “Hindi naman sa wala nang gustong patunayan.
“It’s just that, you know, you already had the chance to experience everything in your peak years, in your prime years, and for that I’m very grateful.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa pocket presscon ng The Clash Season 2 judges noong Martes, September 3, sa Studio 7 ng GMA Annex Studios, Quezon City.
Kasamang humarap sa press ni Lani ang kapwa niya hurado sa show na sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at si Ai-Ai.
LANI ON REGINE VELASQUEZ: “INIWAN KAMI.”
Sa September 21 na mapapanood ang second season ng The Clash sa GMA.
Ayon kay Lani, excited na siya sa reality-singing contest na ito ng Kapuso Network.
Lahad niya, “Exciting na dahil na may bago tayong mga bagets na magdyu-join sa atin.
“At kasi nga, e, kanina nga pinag-uusapan namin na, ‘Ay, parang feeling senior na talaga tayo. At least merong mga bagong bagets, young, young blood, young at heart.’”
Ang tinutukoy ni Lani ay ang bagong hosts o Clash Masters ng programa na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at ang journey hosts naman ay sina Ken Chan at Rita Daniela.
Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang original host ng show, ngunit lumipat ito sa ABS-CBN pagkatapos ng unang season.
Ano ang kaibahan ngayong wala na si Regine?
Humahalakhak na sagot ni Lani, “Ang kaibahan? Wala siya. Iniwan kami!
"Charot, charot! I love you, Mare!
"Yun nga yun na yung kakaiba ngayon.
“Meron na tayong bagong hosts, Clash Masters.
“Meron na nga, yung merong twists, twists.
“Yun nga, merong mga sorpresa na nagugulat kami, 'Oh, my gosh, gagawin ito? Gagawin nila itong twist na ito?'”
