Hindi pinalampas ni Derek Ramsay ang isang negatibong komento ng netizen sa post niya tungkol sa kanila ni Andrea Torres sa Instagram kagabi, September 22.
Magkasama sina Derek at Andrea sa GMA-7 primetime show na The Better Woman.
Caption ni Derek sa larawan nila ni Andrea, “MY NEW GOLFING BUDDY!!!!”
Komento rito ng netizen na may handle name na @sanaturephotoogadm, “Karma will always make its way back around.”

Binuweltahan naman ng Kapuso actor ang netizen.
Sabi ni Derek, “@sannaturephotoyogadm true!!! Good karma.
"Stop being so negative and life will be good.”

Bawi ng netizen, hindi negatibo ang nais niyang ipahiwatig sa kanyang komento.
Sagot niya sa aktor, “@ramsayderek07 not negative. Just saying and glad you believe in it.”

Pero sa palagay ni Derek, negatibo pa rin ang kahulugan ng komento ng netizen.
NEW COUPLE?
Matagal nang usap-usapang may namumuong magandang samahan sina Derek at Andrea sa set ng The Better Woman.
May nagsasabi ring baka may relasyon na ang dalawa, lalo pa't pareho silang single.
Sa isang post sa Instagram ni Andrea kahapon din, nagkomento si Derek tungkol sa pagiging "cute" ni Andrea.
Sinabihan naman niya si Derek na, “@ramsayderek07 Can’t wait to see you.
"I need na my hugs. 1 every hour you’re away.”

Marami naman ang kinilig sa mensaheng ito ng aktres.
Nitong nakaraang Agosto lamang, sinabi ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na aprubado ng ina nito si Andrea para sa kanya.
Sabi pa niya noon, “Approve ni Mommy. Mommy likes her.
"It's the first time na nagpakilala ako ng girl sa mom ko na my mom felt positive."
Pero, hindi niya kinumpirma kung may relasyon na sila.
