Vice Ganda posts touching monthsary message for Ion Perez

by Arniel C. Serato
Sep 25, 2019
Vice Ganda on rumored boyfriend Ion Perez: "Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @@VICEIONATION on Instagram

"Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME."

Ito ang nakakakilig na caption ni Vice Ganda sa ipinost niyang larawan nila ng rumored boyfriend na si Ion Perez sa Instagram.

Ngayong bandang alas-kuwatro ng hapon, September 25, ibinahagi ni Vice ang larawan nila ni Ion, kung saan magkahawak sila ng kamay.

Kuha ang larawang ito sa All-Star Games 2019 ng ABS-CBN noong August.

Continue reading below ↓

Kaagad namang bumuhos ang congratulatory messages mula sa co-hosts ni Vice sa It's Showtime at iba pang mga kaibigang artista, na tila kilig na kilig sa mensahe ng Unkabogable Star.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nalaman ng publiko na "monthsary" nina Vice at Ion ngayong araw dahil nabanggit ito ng TV host-comedian sa live episode ng It's Showtime kanina.

Ngunit hindi pa rin malinaw kung ilang buwan na ang relasyon ng dalawa.

VICE GANDA-ION PEREZ RELATIONSHIP

Nagsimula ang pagkakamabutihan nina Vice at Ion sa "Miss Q & A" segment ng It's Showtime.

Continue reading below ↓

Si Ion ang nagsisilbing "Kuya Escort" ng mga contestant.

Sa pag-inog ng panahon, usap-usapang nagka-develop-an sina Vice at Ion.

Hanggang sa nakikita na silang magkasama sa ilang mga lakad ni Vice.

Ipinakilala na rin ni Ion si Vice sa kanyang kapatid sa Amerika at sa kanyang pamilya sa Tarlac.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on rumored boyfriend Ion Perez: "Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @@VICEIONATION on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results