Bea Alonzo posts photo with perennial leading man John Lloyd Cruz; fans get excited

by Bernie V. Franco
Oct 2, 2019
Bea Alonzo posts on Instagram a poster showing her and John Lloyd Cruz in the frame. In the comments section, fans rave about their "reunion."
PHOTO/S: Photo from @beaalonzo on Instagram

"Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?"

Ito ang pangkiliting caption ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post, kalakip ang larawan nila ng kanyang perennial leading man na si John Lloyd Cruz.

Caption pa ng aktres sa larawan nila ni John Lloyd: “A Last Chance?”

Malinaw na may reference ito sa pinagtambalan nilang blockbuster films na One More Chance (2008) at ang sequel nitong A Second Chance (2016).

Kung pagbabasehan naman ang hashtags na ginamit ni Bea sa post, may kaugnayan ito sa endorsement nila ni John Lloyd para sa isang brand ng food business.

Ginawa ni Bea ang post ngayong hapon ng Miyerkules, October 2.

Continue reading below ↓

Sa comments section naman ay hindi magkamayaw ang fans sa pagsasama ng kanilang mga idolo, kahit para lang ito sa isang endorsement.

Narito ang ilan lamang sa mga positive comment:

Continue reading below ↓

BEA GRATEFUL FOR THE BLESSINGS

Sunud-sunod din ang Instagram Stories ni Bea ngayong araw kung saan nagpahayag siya ng pasasalamat sa patuloy na pagdating ng mga blessing.

Mga simpleng kataga ang ginamit niya sa kanyang posts, kagaya ng “Thank you” at “grateful.”

Ipinost din ni Bea ang kuhang larawan ng kanyang billboards para sa kanyang endorsements.

Sa kanyang panghuling post, mensahe ng Kapamilya actress: “Malayo pa ang byahe natin… [heart emojis]”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kasunod ng pagkakadawit ni Bea sa kontrobersiyang kinasasangkutan din ng dating boyfriend na si Gerald Anderson at ni Julia Barretto—na pumutok sa huling linggo ng July at pinag-usapan hanggang August—tila focused ngayon si Bea sa sarili at career.

Madalas na ang kanyang mga post ay tungkol sa pag-aalaga sa sarili at current projects na kinabibilangan ng isang pelikula at teleserye.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo posts on Instagram a poster showing her and John Lloyd Cruz in the frame. In the comments section, fans rave about their "reunion."
PHOTO/S: Photo from @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results