Ion Perez says his love for Vice Ganda can never be wrong

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2019
Ion Perez posts a special message for Vice Ganda whom he calls "reyna ko."
PHOTO/S: @pereziion27 Instagram

Tila walang sinumang makapipigil sa pagmamahalan nina Vice Ganda at Ion Perez.

Ito ang pahiwatig ni Ion nang muli niyang ipangalandakan ang espesyal na pagtitinginan nila ng It's Showtime host na si Vice.

Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, October 4, gumamit pa si Ion ng hashtag na "#reynako" bilang paglalarawan kay Vice.

"Lahat ng tama may rason para maging mali pero ang pag mamahal ko sayo walang rason para maging mali," mensahe ni Ion.

Kalakip nito ang ilang solo pictures ni Vice pati na rin throwback pictures nilang dalawa na kuha sa U.S. noong Mayo.

Continue reading below ↓

HAPPY FOR VICE AND ION

Sa comments' section, ilan sa mga kasamahan nila sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime ang nag-iwan ng komento.

Isa na rito si Ryan Bang na pinuno ng heart, champagne, lovestruck, at praying emojis ang mensahe para kina Ion at Vice.

Suportado rin ni Hashtags member Zeus Collins ang post ni Ion para kay Vice.

Continue reading below ↓

NO NEED TO LABEL RELATIONSHIP?

Kung pagbabasehan ang kilos nila, lumalabas na hindi mahalaga kina Ion at Vice na lagyan ng label ang maganda nilang samahan.

Tila "what you see is what you get" ang style nila base na rin sa mga madalas nilang pagpapakita ng sweetness sa social media.

Mula pa noong Marso 2019 ay naging bukas na si Ion tungkol sa nararamdaman niya para kay Vice.

Lalo pa't sa 12 Instagram posts ni Ion ay tanging si Vice lang ang kapansin-pansing naiiba sa Instagram feed ng binata.

Gayundin si Vice na minsan na ring nagsabi na dedma siya sa panghuhusga ng ibang tao basta't ang mahalaga ay "puso mo'y masaya."

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez posts a special message for Vice Ganda whom he calls "reyna ko."
PHOTO/S: @pereziion27 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results