Bela Padilla clarifies "big misunderstanding" with best friend Dani Barretto

by Bernie V. Franco
Oct 4, 2019
In an exclusive interview with PEP.ph, Bela Padilla (left) reveals why she and best friend Dani Barretto (right) unfollowed each other on Instagram. “Actually, ano ‘to, because some fans messaged both of us..."
PHOTO/S: Noel Orsal / @danibarretto on Instagram

Sinagot ni Bela Padilla ang isyung pag-unfollow nila sa isa’t isa sa Instagram ng matalik na kaibigang si Dani Barretto.

Marami kasi ang nagtatanong kung winakasan na ba ng dalawa ang kanilang pagiging mag-best friends.

Maging si Boy Abunda ay tinalakay sa kanyang late-night talk show na Tonight With Boy Abunda (TWBA) ang tungkol sa isyung ito noong October 1, Lunes.

Ngayong October 4, Biyernes, nagsalita si Bela at isa-isang sinagot ang mga tanong na may kinalaman sa pag-unfollow nila sa isa't isa ni Dani sa Instagram.

Eksklusibong na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa press conference ng pelikulang Mañanita sa Romulo Café, Tomas Morato, Quezon City.

Ang Mañanita, na idinirek ni Paul Soriano, ang nag-iisang Filipino movie na kabilang sa main competition section ng Tokyo International Film Festival 2019.

BELA PADILLA ADMITS “BIG MISUNDERSTANDING”

Ayon kay Bela, 28, matinding pamba-bash ang natanggap nila ni Dani, 26, dahil sa isyu.

Continue reading below ↓

Sinabi rin niyang “blown out of proportion” ang nangyari.

“I feel like it was so unnecessary na it came out as, like, a news article, or it was even talked about.

"Kasi, we both got bashed after," sabi ng Kapamilya actress.

Inamin ni Bela na nagkaroon sila ng tampuhan ni Dani, pero masyado raw pinalaki ng social media ang isyu.

“Like in any kind of relationship, we go through things. But Dani and I are okay.

“In fact, we were talking last night so it’s not, like, something bad happened to us.

“Obviously, kunwari mag-boyfriend or magnanay, magkapatid, meron konting tampuhan minsan.

“So it was something that simple lang.

“But it was blown out of proportion on social media lang.

“But it’s really nothing,” saad niya.

THE REASON FOR “UNFOLLOWING” EACH OTHER

Sundot na tanong ng PEP.ph: Pina-follow na ba nila ni Dani ang isa’t isa sa Instagram?

Continue reading below ↓

“Yeah,” mabilis na sagot ni Bela.

Diin pa niya, “It was really a big misunderstanding.”

Ang "misunderstanding" na sinasabi ni Bela ay hindi nangangahulugang away, kundi hindi pagkakaunawaan.

Isiniwalat ni Bela kung bakit in-unfollow nila ni Dani ang isa't isa sa Instagram.

“Actually, ano ‘to... because some fans messaged both of us.

“Like, a fan messaged me that Dani unfollowed me, so I checked.

“And yun nga, I saw that she did, so I got annoyed.”

Ito marahil ang nagtulak kay Bela na i-unfollow si Dani.

Pagpapatuloy niya, “Ganun lang. Mababaw.”

Hindi naman binanggit ni Bela kung bakit siya in-unfollow ni Dani.

Continue reading below ↓

Binigyang-linaw rin ni Bela ang kumakalat na isyung tinapos na raw nila ni Dani ang kanilang pagkakaibigan.

“But there’s nothing big happening, and it’s so totally unrelated to whatever issue her and her family was going through,” pakli ni Bela.

“She knows naman, whatever they go through, like, even her sisters and mom, they all know, even if I’m not connected to what they’re going through, I’m always here naman to support them.

“So, yun, it’s totally unrelated.”

Hindi tinukoy ni Bela ang “issue” na pinagdaanan ng pamilya ni Dani.

Pero matatandaang nadamay ang pangalan ni Bela sa itinakbo ng isyung paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, matapos ma-link ng aktor sa kapatid ni Dani na si Julia Barretto.

Sina Dani at Julia ay mga anak ni Marjorie Barretto.

Sa kasagsagan ng Bea-Gerald-Julia issue, nag-post ang kaibigan ni Bea na si Angel Locsin ng larawan ng ilang Kapamilya stars na kuha sa trade launch ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sa caption ni Angel, ang nangyaring gathering ay tila pagbibigay ng moral support kay Bea.

Nagkataong kasama si Bela sa larawan.

Nagtaka ang marami kung nangangahulugan bang suportado ni Bela si Bea, gayong kilalang malapit ito sa mga Barretto at best friend pa ni Dani.

Sa kanyang interview sa TWBA, sinabi ni Bela na napasama lang siya sa dinner dahil teleserye co-stars niya ang mga naroon.

Hindi raw niya alam na gathering iyon para kay Bea.

Sinabi rin ni Bela na ipinaliwanag niya ang kanyang panig kay Dani at sa pamilya nito kung bakit kasama siya sa larawan. Naunawaan naman daw siya ng mga ito.

Samantala, makikita naman sa Instagram na pina-follow na nga muli nina Bela at Dani ang isa’t isa.

Continue reading below ↓

BELA SAYS FRIENDSHIP WITH DANI IS INTACT

Sinabi rin ni Bela na posibleng nauwi sa pagtatapos ng pagkakaibigan nila ni Dani ang isyu, pero mabuti na lang at naayos nila ito.

“Sana lang people are more careful next time because this could potentially… could have harmed Dani and I… this huge issue, whatever it became."

Continue reading below ↓

Diin ni Bela, ang mga komento ng netizens ang nagpalaki sa isyu.

“It was very unfair.

“I’m happy though that Dani and I are both level-headed and we talked amongst ourselves.

“We didn’t let the issue get bigger. We didn’t let the issue get to us.

“And I feel for her. The person just gave birth. She’s so happy right now.

“Huwag naman nating basagin ang trip niya. Yun lang.

“I would like to admonish, especially the younger ones, to be more careful.”

Nanganak si Dani noong September 13, 2019.

BELA PADILLA: "if you can’t say it to me, don’t say it at all"

Sinabi rin ni Bela na ikinagulat niya ang paglaki ng isyu.

“Natawa ako kasi nagulat ako sa Twitter, ‘Hala! Anong nangyari?’ Ang big deal bigla.”

Continue reading below ↓

Binanggit ng aktres na sa pagkakaalam niya ay unang lumabas ang isyu tungkol sa kanila ni Dani sa isang chismis blogsite.

Wala raw problema si Bela kung lumabas ang isyu, “But it’s the comments that really kill you.

“And I hope these people realize… when actors go home and they wanna be with their family and their friends, and family who loves them and supports them sends them these articles, those comments are very upsetting.

Continue reading below ↓

“And we’re in a world where everyone is so fragile right now and opinions can really sway a person’s mood, what they feel, what they think the next day.

“Hopefully, nobody does something drastic because of these comments, because I read those comments and it’s scary, like, I wonder where these people come up with these ideas.”

Dagdag ni Bela, “To be honest, I want to challenge people on social media right now: if you can’t say it to someone’s face, don’t say it online.

“It’s not fair kasi you can’t even say it to me.

“So if you can’t say it to me, don’t say it at all.

“Don’t type it behind an anonymous name. It’s not fair.

Continue reading below ↓

“'Coz we can’t look for you, we can’t ask you where you got these sources, what you actually think about it.

“I feel like we’re so overexposed with no protection.

“We don’t have unions in the Philippines, there’s no one to help us speak back or fight back.

“And when we do speak up, it sounds or it feels like we’re in retaliation, where in fact, we’re just helping ourselves.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an exclusive interview with PEP.ph, Bela Padilla (left) reveals why she and best friend Dani Barretto (right) unfollowed each other on Instagram. “Actually, ano ‘to, because some fans messaged both of us..."
PHOTO/S: Noel Orsal / @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results