Cristine Reyes hints at emotional baggage; says, "Ayokong kuwestiyunin ang Diyos." 

by Rachelle Siazon
Oct 7, 2019
"Kapag nagdadasal ako, hindi ako nagtatanong sa Diyos kung bakit ito yung nangyayari sa akin," says Cristine Reyes of her personal woes. "Kasi alam kong hindi niya ibibigay sa akin ito para pahirapan ako."
PHOTO/S: @cristinereyes Instagram

Naiyak si Cristine Reyes nang maalala niya ang sakit na dulot ng taong sumira umano ng kanyang tiwala.

"Ako, dun pa rin ako sa honest na tao. Mahirap pagkatiwalaan ang taong nagsisinungaling."

Sabay pigil ni Cristine sa sarili, "Teka, pahinging tissue, ayoko umiyak."

Nabahiran ng lungkot ang mukha ni Cristine nang aminin niyang may mga pagkakataong naiiyak siya, pero hindi lang niya ipinapakita sa kanyang four-year-old daughter na si Amarah.

"I try to hide it.

"Kasi dapat makita ako ni Amarah na kailangan meron siyang someone na alam niyang will stand for her.

"And I wanna be that person na alam niya na kaya siyang protektahan."

Noong October 4, nakapanayam si Cristine ng TV host na si Boy Abunda sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Hindi idinetalye ni Cristine kung ano ang pinagdadaanan niyang problema.

RUMORED MARITAL SPLIT

Pero mula January 2018, usap-usapang hiwalay na ang aktres at asawa nitong si Ali Khatibi.

Continue reading below ↓

Dalawang taon palang noong kasal sina Cristine at Ali.

Kapansin-pansing tumigil na si Cristine sa pagbahagi ng litrato kasama si Ali sa kanyang Instagram account.

December 2018 nang muling nasilayang buo ang kanilang pamilya sa dinaluhan nilang Christmas party kasama si Amarah, base sa pictures na nailathala sa Facebook.

Makalipas ang tatlong buwan, noong March 2019, inamin ni Cristine na "civil" sila ni Ali para sa kapakanan ng kanilang anak.

Pero iwas pa rin ang Kapamilya actress pagdating sa iba pang detalye kaugnay ng kanyang marital status.

PRAYING FOR HER SITUATION

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Boy kay Cristine, ipinahiwatig ng aktres na tanggap niya kung anuman ang problemang kinahaharap.

"Kapag nagdadasal ako, hindi ako nagtatanong sa Diyos kung bakit ito yung nangyayari sa akin.

"Kasi kahit anong hirap, kahit anong sakit, ayokong kuwestiyunin ang Diyos.

"Kasi alam kong hindi niya ibibigay sa akin ito para pahirapan ako.

"Ang lagi ko lang pinagpe-pray, pagaanin ang pakiramdam ko."

Continue reading below ↓

cristine's celebrity CRUSH

On a lighter note, sa isang bahagi ng panayam kay Cristine ay pilit siyang pinaamin kung sino ang kanyang bagong celebrity "crush."

Napag-alaman daw ng TV host na si Boy na ang bali-balitang "crush" ni Cristine ay sinasabing natipuhan ng aktres noong ABS-CBN Ball noong September 14.

Panay ang tanggi ni Cristine, "Secret! Nakakaasar, umabot dito. Hindi talaga, wala akong crush!"

Hirit ni Boy na humihingi pa rin ng clue, "Older?"

Sagot ulit ni Cristine, "Wala. Hindi ako aamin. Wala akong aaminin. Ayoko."

Sa huli, sinabi ni Cristine na "off the record" na lang niya sasabihin kung sinuman ang tinutukoy na bago niyang celebrity crush.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kapag nagdadasal ako, hindi ako nagtatanong sa Diyos kung bakit ito yung nangyayari sa akin," says Cristine Reyes of her personal woes. "Kasi alam kong hindi niya ibibigay sa akin ito para pahirapan ako."
PHOTO/S: @cristinereyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results